Wednesday , October 27 2021
092118 Jose Antonio Ka Pepeton Goitia Pasig River Rehabilitation Commission PRRC
PAGSISIKAP NG PRRC – Kasama ang mga pangunahing opisyal, inihayag ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia (kaliwa) ang mga naisakatuparang programa at karangalang nakamit ng ahensiya sa kanyang talumpati para sa pangalawang State of the River Address (SORA) na ginanap sa ikalawang araw ng Taga-alog Stakeholders’ Conference sa University of the Philippines Ang Bahay ng Alumni, Diliman, Quezon City nitong Miyerkoles, 19 Setyembre 2018. Ipinagmalaki ni Goitia ang pagiging Finalist ng Pasig River sa unang Asia Riverprize ng International River Foundation kalaban ang Yangtze River ng China sa Oktubre sa Melbourne, Australia.

MOA at MOC ikinasa ng PRRC

HIGIT pang pinagtibay ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang pangakong maibalik ang dating kagandahan ng Ilog Pasig matapos pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) at Memorandum of Cooperation (MOC) sa dalawang pribadong kompanya.

Lumagda ang PRRC sa pangunguna ni Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia ng MOA sa Bio Sperans Corporation habang ikinasa naman niya ang MOC sa Cypher Odin Inc., kamakalawa sa tanggapan ng ahensiya.

“Layunin ng PRRC na matutukan at mapataas pa ang antas ng kalidad ng tubig sa buong Pasig River system. Sa pamamagitan ng nilagdaan nating memorandum of agreement at memorandum of cooperation sa dalawang kompanyang ito, maka­sisiguro ang taumbayan na makakamit natin ang adhikain ng ating pama­halaan tungo sa malinis at magandang Ilog Pasig,” ani Goitia.

Naunang lumapit ang Bio Sperans Corpo­ration upang humingi ng pahin­tulot sa PRRC na maipa­tupad ang pilot testing na maka­pagpa­pataas ng water quality sa Estero de Concordia.

“Pangunahing layu­nin nito na mabawasan ang masamang amoy at mapa­un­lad ang kalidad ng tubig sa Estero de Concordia habang mag­sasagawa na­man ang Cypher Odin Inc., ng pilot studies at river quality reconnaissance upang mapag-aralan ang kasa­lukuyang kondisyon ng Ilog Pasig at ng iba pang tributaryo nito,” diin ni Goitia.

Umaasa rin ang PRRC na higit pang mapapaunlad ang kondisyong pangkalusugan ng mga komunidad na naninirahan sa tabi ng nasabing mga ilog lalo na’t matagal na silang nahaharap sa panganib ng water-borne diseases.

“Upang maisagawa ang bagong kalidad ng pamumuhay sa kalunsuran at maiangat sa Class C level ang water quality ng Ilog Pasig, regular na ipinatutupad ng PRRC ang water quality monitoring gayondin ang identification, implementation at evaluation ng solid and liquid waste management technologies at initiatives patungo sa maunlad na water quality ng ating river system,” dagdag ni Goitia.

About hataw tabloid

Check Also

Dr Kilimanguru, DJ Jhai Ho, Kiray Celis, #BestTimeWithGlobe, Best Time With Globe

Sikat na online personalities nag-share kung bakit ngayon ang #BestTimeWithGlobe

TATLONG sikat na social media personalities — ang 25-year-old na si Dr. Kilimanguru, host DJ …

kati batok, Krystall Herbal Oil

Dalawang taon pangangati ng batok pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely, Ako po si Felixberto Dorongon, 47 years old, nakatira sa Cavite City.   …

Chavit Singson, Globe, Smart, Dito

Telco Common Towers ni Chavit, handa na para sa Globe, Smart at DITO

BUKOD sa pag-i-invest ni LMP president at Narvacan Mayor Chavit Singson ng 100 million dollars sa South …

Papa Sweet Sarap Banana Ketchup

Papa Sweet Sarap Banana Ketchup, mas pinagtibay sa tulong ng B-Vitamins para magbigay-enerhiya at lakas sa mga bata

BILANG nangunguna sa pagtataguyod ng pagkakaroon ng malusog at masarap na hapagkainan sa bawat Filipink, …

SM Megamall Mandaluyong Menchie Abalos COVID-19 vaccine A3.1 category minors kids

SM SUPERMALLS OPENS PEDIATRIC VACCINATION CENTER IN MANDALUYONG
Phase 2 of A3.1 vaccination program starts rolling out in 17 more locations in PH

WHEN the news broke out that children with comorbidities can get vaccinated, Paul Vincent Lim …

Leave a Reply