Privatization is a bitter pill but it is a pill that will cure.
— Frederick Chiluba
PASAKALYE:
Ipinag-utos ni Pangulong RODRIGO DUTERTE ang pagpapatigil ng pagpasok at pagtatag ng mga bagong casino para maiwasan ang oversupply dito sa ating bansa, na itinuturing na fastest-growing gambling market sa Asya.
Nagpa-utos ang dating alkalde ng Davao City para sa isang moratorium “dahil ayaw dawn g pangulo na magsiksikan sa industriya,” ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation chairman ANDREA DOMINGO.
Pahayag ni Domingo: “Pagcor will no longer process applications for gaming licenses following the ban.”
Nagtala ang Pilipinas ng 88 bilyong piso pesos (US$1.71 bilyon) sa gross gaming revenues sa unang kalahati ng taong 2017—tumaas ng 12 porsyento mula sa naitala noong 2016, batay sa datons ng PAGCOR
Dagdag ni Domingo: “Growth was driven by warmer ties with China and increasing foreign visitors.”
Dahil pinagbabawal ang sugal sa karamihan ng mga bansa sa Asya, nakinabang ng husto ang Pilipinas sa paglago ng nasabing sektor, na bukod sa nagpapapasok ng malaking revenue ay nakaliha din ng libu-libong trabaho at nakakatulong sa pag-akit ng mga turista na dumalaw sa kapuluan at mamili rin sa mga mall at mamasyal sa mga resort at iba pang pasyalan.
***
HINDI dapat ipaubaya ng pamahalaan sa pribadong sektor ang ilang strategic industry, tulad ng elektrisidad, transportasyon at tubig, dahil mas lalong lalaganap ang kahirapan sanhi ng kabiguang magkaroon ng ‘trickledown effect’ sa kabila ng mataas na 6.7 gross domestic product (GDP) na naitala ng Pilipinas nitong nakaraang taon.
Ito ang opinyon ni dating enterprise wide risk management risk manager ng Philippine National Oil Corporation at Petron (PNC-Petron) na si Ginoong CARLOS YTURZAETA sa lingguhang edsiyon ng Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila.
Ayon kay Yturzaeta, hindi dahil mataas ang GDP natin ay nangangahulugang matutugunan na ang problema ng kahirapan kaya kailangan pa ring magsagawa ng mga hakbang an gating gobyerno para mapanagalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.
Pinunto pa ng dating opisyal ng PNOC na kuwestyonable ang ilang developmental policy na pinapairal ngayon ng pamahalaan, kabilang na rito ang pagsulong ng pagsisipribado ng ilang industriyang dating pinapangasiwaan ng gobyerno at gayun din ang diregulasyon at liberalisasyon ng ating ekonomiya.
Diniin ni Yturzaeta: “Kung totoong maganda ang privatization, all you have to do is look at the MRT (Metro Rail Transit). Isa pa, tignan n’yo rin ang tubig, hindi ba may problema din tayo rito.”
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!