Saturday , December 21 2024

Ex-poll chief Bautista arestohin (Utos ng Senate panel)

BUNSOD ng hindi pagsipot sa imbestigasyon sa kabila ng ipinadalang subpoena, nagdesisyon ang Senate banks committee nitong Lunes na i-cite of contempt si dating Comelec chairman Andres Bautista at iniutos ang pag-aresto sa kanya.

Sinabi ni Senator Francis “Chiz” Escudero, chairman ng komite, hihilingin niya kay Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III ang pag-isyu ng warrant of arrest laban kay Bautista.

“I understand from news reports that a subpoena has been issued because of my non-appearance in the hearing. In this regard, I respectfully ask that the subpoena be recalled since I never received the invitation,” ayon sa sulat ni Bautista na ipinadala sa komite.

Nagpalabas ang Senate committee ng subpoena laban kay Bautista nitong 23 Enero, inutusan si Bautista na humarap sa komite sa 12 Pebrero kung hindi ay iko-contempt at aarestohin siya.

Ayon kay Bautista, wala siya sa bansa noon pang Nobyembre ng nakaraang taon “to explore professional opportunities and, more importantly, seek assistance for certain medical challenges.”

Gayonman, ipinunto ni Escudero, malinaw na nais ni Bautista na mapigilan ang proseso, baga­ma’t nagpahayag ng kahandaang sagutin ang ano mang katanungan ng komite, dahil hindi binanggit ng poll chief ang kanyang address.

“He should have, at the very least, given an address to forward any queries. That he did not give any is clearly, in so far as the chairman is concerned, an attempt to stifle the proceedings,” ayon kay Escudero.

Ayon sa record mula sa Bureau of Immigration, sinabi ni Escudero na umalis ng bansa si Bautista noong 28 Oktubre 2017 at dumating sa Singapore noong 1 Nobyembre 2017. Ngunit sinabi ni Bautista na wala siya sa Filipinas simula pa noong 21 Nobyembre 2017.

Sinabi ni Escudero, si Bautista ay aarestohin kapag dumating siya sa bansa, at ihahatid sa Senado.

“Kung talagang wala siyang [i]tinatago, wala siyang dapat katakutan. Kung wala siyang kinakatakutan, wala rin siyang dapat itago,” ayon kay Escudero.

Magugunitang ibinunyag ng dating misis ni Bautista na si Patricia Paz Bautista, na ang kanyang mister ay nagkamal ng P1-bilyong hindi maipaliwanag na yaman.

Sinasabi rin, ang dating Comelec chair ay mayroong 35 bank accounts sa Luzon Development Bank, naglalaman ng kabuuang P329,220,962.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *