MAY sapat na puwersa ang pamahalaan laban sa rebeldeng New People’s Army (NPA).
Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa CPP-NPA nang sabihin kamakalawa na ipatutumba niya ang limang rebelde kapalit ng isang papataying sundalo ng mga komunista.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ipinagmamalaki lang ni Pangulo na laging handa ang mga sundalo sa pagganti ng komunistang grupo kaya’t hindi dapat tinatakot ni CPP founding chairman Jose Ma. Sison.
Nauna nang humarap ang Pangulo sa mahigit 200 rebel returnees at tiniyak na walang maidudulot na maganda ang armadong pakikibaka.
“I think the message is: you don’t threaten us, Joma Sison. We are the state, if we haven’t eradicated you, it’s because we opted not to eradicate you as Filipino. But if you want war, we are ready to go to war,” ani Roque.
Kamakailan, ipinagyabang ni Sison na may kakayahan ang NPA na pumatay ng isang sundalo kada araw.
ni ROSE NOVENARIO