Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Cruz, swak na swak bilang endorser ng Century Tuna

NAKAPANAYAM namin kahapon ang super-seksing Hot Momma na si Sunshine Cruz at nalaman namin na may bago siyang project na ginagawa. Actually, isa itong indie film na first time lang napasabak ang aktres.

Saad ni Ms. Shine sa kanyang social media account, “Shooting my first ever Indie film next week. Lord, Thank you for the gift of work  #grateful #blessed  d’þ d’þ d’þ

This week na rin magtatapos ang top rating TV series nilang Wildflower sa ABS CBN at ipinahayag ni Sunshine na maraming dapat abangan sa pagtatapos ng seryeng tinatampukan din nina Maja Salvador, Tirso Cruz III, Aiko Melendez, Zasa Zsa Padilla, at iba pa. “Wildflower will end this Friday, maraming dapat abangan sa pagtatapos nito. Ilang araw na lang po, will miss everything dahil isang taon din ka-ming magkakasama. Iyong mga artista, staff, crew and directors.”

Kumusta na siya ngayon, pati na ang kanyang love life? ”Nasa mabu­ting kalagayan po ako now. Healthy and smart kids, may trabaho at endorsements at masaya po ang buhay ko now, pero malayo pa rin po sa pagiging perpekto. It is something na kailangan pong trabahuhin pa. Patience is a virtue ‘ika nga po nila,” esplika niya.

“What you see is what you get na lang po,” dagdag na sagot pa ni Sunshine hinggil naman sa kanyang love life.

Ano ang sikreto ng kaseksihan mo? Nakakatulong ba ang Century Tuna para ma-maintain mo ang iyong sexy figure?

“Kahit hindi pa po ako nila­lapitan to endorse Century Tuna ay hindi po nawawala ang Century sa bahay. Yes it is and has always been part of my diet. Masarap sa tinapay, crackers, ulam o pasta!” Nakangiting saad ng talented na Kapamilya aktres na sadyang swak na swak ma-ging endorser ng naturang produkto dahil sa kanyang healthy lifestyle at kaseksihan.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …