Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, buo ang loob na mag-isang itataguyod ang 3 anak

NADUGTUNGAN pa ang kuwentuhan namin ni Sunshine Cruz nang magka-chat kami ulit noong isang araw. Sinabi niya na nagdesisyon siya na sa pagbabalik niya matapos ang isang medical procedure sa kanyang mata sa US, ay haharapin nang husto ang kanyang career at magtatrabaho na nang husto.

“Wala na yata akong time para sa therapy pagkatapos niyon,” sabi pa ni Sunshine.

Ang dahilan ay dahil naiisip niya ang kinabukasan ng kanyang mga anak. Puro babae pa naman, at gusto niyang masiguro na magiging maganda naman ang kanilang buhay,

“Hindi ka naman laging malakas. Salamat na nga lang sa Diyos at hindi ako nawawalan ng trabaho simula noong mag-comeback ako. Sunod-sunod talaga eh. Iyong mga endorsement namang ginagawa ko marami ring dumarating pa. Sa ngayon ok naman ang kinikita ko, pero ang buhay namin, hindi naman laging ganyan.

“Hindi mo alam kung isang araw pagkagising mo iba na ang sitwasyon. Tanggap naman naming lahat na ganoon ang showbusiness. Minsan hindi ka na uso. Iba naman ang papasok. Iyon ang isang bagay na pinaghahandaan ko na rin. Paano ang mga anak ko kung nasa ganoong sitwasyon na ako. Kaya minsan sinasabi ng iba, masyado naman akong matipid, aba eh kailangan eh, alam naman ninyo single parent ako.

“Dumating na rin ako roon sa point na nagsawa na siguro ako sa iniisip kong may makatutulong pa ako sa mga anak ko. Ngayon gusto ko na lang isipin na pananagutan ko ang kinabukasan ng mga anak ko na walang ibang inaasahan. Pagod na ako sa ganoon eh.

“Magagawa ko namang mag-isa eh, bakit pa ako aasa sa iba,” ang pagkukuwento ni Shine.

Oo nga naman.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …