NAGPATUPAD ng oil price hike ang mga kom-panya ng langis sa kanilang produktong petrol-yo ngayong araw ng Martes.
Ang ika-anim dagdag presyo ay pinangunahan ng Flying V, na nagdagdag ng P0.50 kada litro sa gasolina, P0.35 sa diesel at P0.60 sa kerosene, dakong 12:01 ngayong madaling-araw.
Sinundan agad ito ng Total Philippines, Phoenix Petroleum Philippines, PTT Philippines, Eastern Petroleum, Pilipinas Shell, epektibo 6:00 am.
Ang ipinatupad na dagdag presyo ay bunsod nang patuloy na paggalaw sa pandaigdigang pamilihan.
Nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag presyo ang oil companies, ng P0.45 kada litro sa gasolina, P0.50 sa diesel at P0.50 sa kerosene. (JAJA GARCIA)