Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jay Sonza, OA nang paalisin si PNoy sa Time St.

SA ganang amin ay the height na ng ka-OA-n ang nais mangyari ng has-been broadcaster na si Jay Sonza sa dating Pangulong Noynoy Aquino sa gitna ng mga mass action ng ilang mga mamamayan natin sa tirahan nito sa Times St., Quezon City.

Nabubulabog kasi ang katahimikan sa nasabing upscale subdivision, na sinolusyonan naman ni QC Mayor Herbert Bautista na ipasara ang isang bahagi nito.

Inalmahan ‘yon ni Jay dahil isang national road daw ‘yon na ang dapat na namumuno roon ay ang MMDA, hindi ang tanggapan ni Bistek.

Ang maituturing na the height sa nagsusumigaw na pakiusap ni Jay, kailangan magkaroon ng pagkakaisa ang lahat ng mga residente roon para piliting umalis si PNoy at maghanap na lang ng ibang matitirhan.

Ang mga naturang mass action ay bilang pagkondena sa mga umano’y paglabag at kasalanan ng Aquino administration tulad ng SAF 44, Yolanda, Dengvaxia scam at kung ano-ano pa.

Naroon na kami, totoong may dapat panagutan si PNoy base sa mga usaping ‘yon, pero para i-evict siya sa tahanang matagal nang panahong tinirhan ng pamilya Aquino is too much a demand, kundi man isang malinaw na pagtanggal ng right to life or residency ng isang tao.

Sa ginawang hakbang o contingency measure ni Bistek, palagay nami’y hindi ‘yun padalos-dalos. Bago niya ipinatupad ang closure sa isang bahagi ng Times Street, tiyak na komunsulta muna siya sa ahensiya o mga kawani na mas nakakaalam ng tungkol sa kanyang balak.

Just recently, ang napiling bimbangin ni Jay ay si Bimby, anak ni Kris Aquino, na inilarawan niyang baklaing bata. Sinundan naman ito ng kuya ni Kris.

Matanong lang: anong palakol mayroon si Jay para ihalibas laban sa mga Aquino (axe to grind)?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …