Saturday , November 16 2024
dead gun

15-anyos Grave V pupil nagbaril sa sentido

PATAY nang matagpuan ang isang Grade V pupil sa kanyang kuwarto na hinihinalang nagbaril sa ulo sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang biktimang si  Louie Ramirez Cubay, 15-anyos.

Ayon sa ulat, nasa Grade 5 pa rin ang biktima dahil laging humihinto sa pag-aaral.

Siya ay natagpuang duguang nakahandusay sa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa 182 Unit N., Villa Angelina, Catleya St., Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik, Quezon City, at may tama ng bala ng cal. 9mm sa kanang sentido.

Batay sa pahayag ni Donnel Dugan, stepfather ng biktima, dakong 5:00 am kahapon nang duma-ting sila sa kanilang bahay ni Geralan, ina ni Cubay, mula sa trabaho.

Nakagawian ng ina na bago matulog ay pinupuntahan si Louie para matiyak kung nandoon ang anak sa kuwarto.

Ngunit pagbukas  ni Geralan sa pintuan ng kuwarto, tumambad sa kanya ang duguang anak at wala nang buhay.

Agad ipinagbigay-alam ng stepfather ang insidente sa barangay.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya kung may nangyaring foul play sa insidente dahil walang natagpuang suicide note mula sa biktima. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *