Sunday , December 22 2024

Kelot ‘nahulog’ sa bus tigok (Sa Parañaque City)

HINIHINALANG nahulog mula sa bus na sinasakyan ang isang lalaking pasahero na natagpuang wala nang buhay sa Parañaque City kahapon ng madaling araw.

Pinaniniwalaang sanhi ng matinding pinsala sa ulo, namatay noon din ang biktimang si Ramil Legaspi, 42, ng 212 San Andres St., Navotas City.

Natagpuan ng bystanders ang biktima na walang buhay dakong 2:05 kahapon ng madaling araw sa northbound Roxas Boulevard, Brgy. Baclaran, Parañaque City.

Base sa ulat na nakarating sa Southern Police District (SPD), sa pahayag ng taxi driver na si Jerry Cruz, ipinaparada niya ang kanyang taxi na may plakang TYZ 698  sa harapan ng isang KTV bar sa naturang lugar para maghintay ng pasahero nang tawagin ang kanyang atensiyon ng isang bystander na kinilala sa alyas William.

NAKATAKIP NG KARTON ang bangkay ng isang lalake na nakilalang si Ramil Legaspi na sinasabing nahulog sa bus matapos matagpuan ng awtoridad sa kahabaan ng Roxas Blvd, Service Road, Baclaran sa Paranaque City nitong Linggo ng madaling araw.(Eric Jayson Drew)

Ipinagbigay-alam kay Cruz ni alyas William, na isang lalaki ang hinihinalang nahulog sa isang pampasaherong bus.

Nakita nila ang biktima na nakahandusay sa kalsada at walang buhay.

Kaagad na ipinagbigay alam sa mga awtoridad ang insidente at kinilala ang biktima sa pamamagitan ng identification card na nakuha sa kanya. Ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Peoples Funeral Services para sa autopsy.

Inaalam ng pulisya kung anong bus ang sinakyan ng biktima para sa mas malalim na imbestigasyon.

      (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *