MAGBUBUKAS na raw tuwing Sabado ang Consular Office ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Aseana simula sa Sabado, 10 Pebrero 2018.
Ang Consular Office po ay ‘yung kuhaan ng passport.
‘Yan ay para raw maaresto ang lumalaking backlog sa applications at issuance ng passport.
Isa ito sa magandang hakbang ng DFA.
Pero sa totoo lang, ang hinaing ng mga kababayan natin ay pabilisin ang proseso at issuance ng passport. At higit sa lahat, babaan ang presyo.
Mantakin naman ninyo, nagbabayad ang mga Filipino ng P1,200 para sa pasporte para lang mapanis sa pag-a-apply at paghihintay na mailabas ang kanilang dokumento?!
Subukan po ninyong pumasyal sa Aseana, makikita ninyo ang mga kababayan natin na karamihan ay overseas Filipino workers (OFWs) ay nakapila hanggang sa kalsada.
Secretary Alan Peter Cayetano Sir, mukhang panay lang ang biyahe ninyo, aba solusyonan po ninyo ‘yang napapantot na problema sa DFA.
Ay sus!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap