Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, anak muna bago ang sarili

MAHABANG kuwentuhan din ang nangyari sa amin ni Sunshine Cruz noong isang araw, sa press conference niyong Wildflower. Matagal na rin naman kasi kaming hindi nagkikita at nagkakakuwentuhan. Madalas nagkakausap lang kami sa chat.

Napansin namin, at maging ng ibang naroroon na parang mas maganda pa si Sunshine sa ngayon kaysa noong araw. Bakit nga ba?

“Siguro kasi noon laging may pressure, laging may konsumisyon. Iyon ang mga bagay na kahit na anong tago ang gawin mo makikita at makikita ng ibang tao dahil sa hitsura mo. So when I decided na dapat tapusin ko na lahat ng konsumisyon ko at nagdesisyon ako na babalikan ko ang career ko to survive, at para maibigay ko rin ang kailangan ng mga anak ko. Alam naman ninyo single parent ako at wala naman akong maaasahang iba. Kailangan i-improve ko naman ang aking sarili.

“Hindi naman iyong dahil ang role ko nanay ni Maja Salvador kailangan na akong magmukhang nanay talaga. Ngayon naman kahit na mga nanay nag-aayos na rin,” ang sabing may pagbibiro pa ni Sunshine.

Pero wala pa rin siyang masyadong kuwento tungkol sa kanyang love life.

“Open naman ako tungkol sa mga bagay na iyon. May social media accounts ako. Nakikita naman ninyo ang mga picture. Wala akong itinatago dahil wala naman akong ginagawang hindi legal. Wala akong ginagawang immoral. Lahat ng ginagawa ko kaya kong panindigan. Hindi ko kailangang magtago. Pero ayoko na lang na magsasalita pa ako tungkol sa mga bagay na iyon.

“May mga problema pang kailangan kong ayusin. Iyan ngang annulment ng nauna kong kasal. Hindi naman kasi ako papasok basta sa isang relasyon na hindi malinaw ang lahat. Hindi naman puwede sa akin iyong sige na makipag-live in, magka-anak. Pero ano ang magiging kinabukasan ng ganoong relasyon at paano ang magiging mga anak mo.

“Ako very particular kasi ako sa mga anak ko eh. Ayokong magkaroon ng anak nang ganoon na lamang. Hindi puwede iyong may anak ako tapos itatago ko dahil hindi puwedeng lumabas. Eh ako naman kilala ninyo ako. I have always been proud of my children. Ang mga anak ko naman magaganda, at lahat matatalino, nasa honor roll sa eskuwelahan.

“Ga-graduate na nga iyong panganay ko, kaya nga hindi ako makaalis. Balak kong umalis para magpa-opera ng mata ko, na alam din naman ninyo na nagkaroon ng problema. Huwag na nating pag-usapan pa kung  paanong nagkaroon ng problema in the past. Iyon iyong mga bagay na tinalikuran ko na eh. Pero pagkatapos ng graduation ng anak ko, pupunta ako sa US dahil doon ko kailangang magpa-opera dahil sa availability ng facilities na wala pa rito sa atin,” pagkukuwento ni Sunshine.

At sinasabi ni Sunshine, wala pa talaga siyang plano na may kaugnayan sa love life.

“Hindi naman iyan ang priority ko sa buhay. Ang priority ko iyong mga anak ko. Tapos iyong trabaho ko. Pagkatapos pa niyon at saka ko iniisip ang sarili ko. At saka ayoko nga niyong nagtatago. Ayoko iyong hindi legal. Hindi ako sanay sa ganoon eh. Alam naman ninyo from the very start kung ano ako, kaya at saka na lang natin pag-usapan iyan. Basta nakuha ko na ang annulment ng kasal ko, which I hope makuha ko naman dahil dapat lang naman, madali na lahat iyan,” patapos na sabi ni Sunshine.

Iyon na nga lang naman ang kailangang hintayin ni Sunshine at sa tingin din naman namin ay magiging madali na ang kasunod niyon, na hindi naman niya itinatago. Gusto lang niyang nasa ayos lahat bago siya magsimula ng bagong buhay.

HATAWAN!
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …