Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mocha, type magtrabaho sa DOJ (kaya kumukuha ng Law)

NAKABIBILIB malamang kumukuha ng ikalawang kurso sa kolehiyo si PCOO Mocha Uson.

Barring all obstacles, kung matatapos siya ng Law ay bale dalawa na ang kanyang magiging degree: the first one being a pre-med course sa UST. Bibihira sa mga personalidad sa showbiz ang may ganitong academic background. Sa kabila kasi ng kanilang hectic work ay kahanga-hangang napaglalaanan pa nila ng panahon na maisingit ang kanilang pag-aaaral.

Pero sa kabila ng aming paghanga kay Mocha ay may nais din kaming itanong sa kanya (that is, kung nababasa niya ito, or at the very least, ay kung nagpa-file ba sila ng Hataw sa kanyang tanggapan, it being a public information office).

Sa pagkakaalam kasi ng marami ay parang wala namang nabalitaan ang publiko na pinraktis niya ang kanyang pre-med course (inspired by her mom’s degree na isang practicing doctor and a cancer survivor at that).

For the longest time kasi’y mas nakilala si Mocha na binsagang Reyna ng Qatar, sa kabisera nitong Doha siya lumikha ng malaking pangalan bilang isang entertainer.

Bumalik lang dito sa bansa si Mocha nang maglunsad ng isang benefit show para sa kanyang cancer-stricken na ina. Nagpatulong pa nga siya noon sa media para sa naturang layunin.

At present, kursong abogasya ang kinukuha ni Mocha, obviously getting her inspiration mula naman sa kanyang pinaslang na ama na isang huwes sa kanilang lalawigan.

Following the pattern, kung hindi nakuhang ipraktis ni Mocha ang kanyang medical course nang mas matagal kaysa kung saan siya nalinya, hindi kaya in all probability ay hindi rin niya magawang ipraktis ang Law, therefore, never siyang magiging isang ganap na tagapagtanggol?

Sorry pero obvious na “disoriented” si Mocha sa kanyang academic pursuit. Nalilinya siya ngayon sa larangan ng komunikasyon, pero Law naman ang gusto niyang tapusing degree?

Ilang beses na naming ini-raise ang tanong na ito. Pinararatangan siyang purveyor o tagapagpalaganap ng mga fake news, pero batas ang kanyang pinag-aaralan at nais pagdalubhasaan?

One cannot help—kasama na kami—but ask: pre-med course ang natapos pero hindi naman pinraktis ni Mocha. Law naman ngayon, maging abogada naman kaya siya?

Eh, ilang taon pa ang bibilangin hanggang matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nagtalaga sa kanya sa PCOO, so anong ibig sabihin ng pagkuha ni Mocha ng Law?

Type rin niyang magtrabaho sa Department of Justice, ganoon ba?

HOT, AW!
ni Ronnie Carasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …