Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Aktres, ‘sumaydlayn’ habang busy ang BF

MAY itinatago palang kakyondian ang aktres na ito, na kahit may dyowa ay ‘di pa rin makuntento.

Minsan ay sinorpresa niya ang dyowa niyang aktor din na dinalaw niya sa set ng ginagawa nitong pelikula. Lulan ng van ay nadaanan niya ang mismong set, pero wala roon ang pakay niyang karelasyon.

Nakasalang kasi ito sa isang mahalagang eksenang kinukunan ni direk.

Pero ang nabungaran niya ay ang co-actor ng kanyang dyowa, mas bata ito kaya mas maganda ang tindig at pangangatawan.

“Matagal pa ba ‘yung kinukunang scene?” pagpapa-cute ng aktres sa aktor na sumalubong sa kanyang pagdating. Nang malaman niyang kasisimula pa lang ng shooting ay niyaya niya ang nasabing aktor,

“Mabuti pa kaya, eh, samahan mo muna ‘ko kaysa maghintay ako rito  ng bonggang-bongga.”

Sumama naman daw ang inanyayahang aktor. Sa loob daw mismo ng van ng aktres naganap ang necking ng dalawang nilalang.

Da who ang aktres at ang panandalian niyang kalaplapan? Itago na lang natin sila sa alyas na Mariz Acuna at Rodel Rampa.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …