HALOS 2,000 residente sa lalawigan ng Albay ang dinapuan ng respiratory infection (ARI) bunsod nang pagbuga ng abo ng nag-aalborotong Mayon Volcano, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa inilabas na ulat nitong Linggo, sinabi ng NDRRMC, mula sa bilang na 516 ay umakyat sa 1,972 ang bilang ng mga dinapuan ng nasabing sakit.
Ayon sa ahensiya, ang bilang ng mga residenteng dinapuan ng ARI ay kumakatawan sa 66 porsiyento ng 2,997 katao na pinagkakalooban ng atensiyong medikal ng mga tauhan ng Department of Health sa lalawigan simula nitong 15 Enero, isang araw makaraan ang dalawang magkasunod na pagsabog ng Mayon Volcano.
Sa 2,977 katao na pinagkalooban ng atensiyong medikal, 459 ang may lagnat at 272 ang hypertensive. At kabuuang 149 katao ang may sugat at 106 ang nakararanas ng diarrhea.
Karamihan sa kanila ay nananatili sa mga evacuation center.