Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrew Gan, patuloy sa paghataw ang showbiz career!

NAGPAPASALAMAT ang Kapuso actor na si Andrew Gan sa lahat ng mga kasamahan sa seryeng Super Ma’am na pinagbibidahan ni Marian Rivera na magtatapos na ngayong araw, January 26.

Itinuturing ni Andrew na biggest break niya sa TV ang seryeng ito. Aminado siyang mami-miss ang mga kasama rito. Good timing naman dahil magiging abala ulit si Andrew sa teatro.

Kuwento niya, “Sa ngayon tito, resume po ako ng theater ulit. May show kami ulit this Saturday sa Lucena. Ang title nito ay Mid Summer Night.”

Ano ang role mo riyan at sino pa ang ibang members ng casts?

“Mga indie actor, e. Si Andro Morgan ang isa, then iyong mga iba ay baguhan, e. Si Lisandro po, one of the leads din and Hermia, sila bale ‘yung pinaka-lead. Apat kasi kaming leads dito, e.”

Saan ka mas nag-e-enjoy, sa teatro or TV?

Tugon ni Andrew, “Parehas akong nag-e-enjoy. Pero magkaiba kasi sila ng requirements. Iba ang TV at theater.”

Si Andrew ay nag-start bilang model sa mga fashion show, commercial, and print ads. Tapos ay sumabak sa TV at last year lang ay sa teatro naman via Romeo and Juliet, na ginampanan niya ang papel na Romeo.

Ang ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay “The Third Party” bilang partner ni Beauty Gonzales. Napanood din siya sa My Bebe Love at ngayon ay may small role sa Kasal nina Derek Ramsay at Bea Alonzo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …