KUNG sakali, isang tropeo ang maaaring masungkit ng National Basketball Association legend na si Kobe Bryant.
At ito ay hindi sa NBA kundi sa prestihiyosong Academy Awards o Oscars.
Ang tulang isinulat ng 39-anyos na si Bryant na “Dear Basketball” ay nominado sa animated short category ng Oscars kasama ang Disney animator na si Glen Keane na siyang nag-direk ng naturang animasyon.
Magugunitang noong 2015 ay inianunsiyo ni Bryant ang kanyang huling taon ng pagreretiro sa pamamagitan ng naturang tula.
Nagsimula ito sa pagsasaad niya ng: “Dear Basketball, from the moment I started my dad’s tube socks and shooting imaginary game winning shots in the Great Western Forum, I knew one thing was real: I fell in love with you.
Umani ng mga positibong reaksiyon ang nominasyon ni Bryant at pagpupugay din mula sa kanyang mga kasama-han sa NBA.
Nagtapos ang kanyang tula sa isang countdown na simbolo ng unti-unti niyang pagreretiro sa NBA na pinaglaruan niya ng 10 taon.
“And we both know, no matter what I do next, I’ll always be that kid with the rolled up socks, garbage can in the corner, 0:05 seconds on the clock, Ball in my hands, 5… 4… 3… 2… 1.”
Opisyal na nagretiro si Bryant sa pagtatapos ng season noong 2016 matapos ang 20-taon paglalaro sa Lakers. Nag-kampeon siya ng limang beses, naparangalang MVP ng isang beses, 2-time Finals MVP at ikatlong pinakamaraming puntos sa kasaysayan ng NBA.
Manalo man o hindi, isa nang karangalan ito para kay Bryant.
“This is beyond realm of imagination. It means so much that The Academy deemed Dear Basketball worthy of contention,” ani Bryant.
Gaganapin ang Oscars 2018 sa 4 Marso 2018 sa Dolby Theatre sa Hollywood, Los Angeles, California.
ni John Bryan Ulanday