Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Serye ni Julia Montes na “Asintado” agad tinanggap ng TV viewers at umani ng libong tweets

May mass appeal talaga sa mga manonood si Julia Montes, at agad na kinapitan at namayagpag sa national TV ratings ang pag-uumpisa ng inaabangang serye ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment na “Asintado” matapos maghandog ng makapigil hiningang aksiyon noong January 15 (Lunes).

Nagkamit ang soap na pinagbibidahan ni Julia ng national TV rating na 17%, ayon sa datos ng Kantar Media. Naging usap-usapan din sa social media ang palabas matapos manguna sa listahan ng trending topics ang official hashtag ng programa na #AsintadoPanimula at umani ng libo-libong tweets.

Sa pag-uumpisa ng serye, nakilala ng TV viewers ang magkapatid na sina Juliana (Montes) at Katrina (Shaina Magdayao) na pinaghiwalay ng tadhana, matapos masunog ang kanilang tahanan na pumatay sa kanilang mga magulang.

Sa kanilang pagkakalayo ay magbabago ang kanilang kapalaran dahil kukupkupin sila ng dalawang magkaibigang pamilyang magbibigay sa kanila ng bagong buhay.

Ano nga ba ang naghihintay na kinabukasan para kina Juliana at Katrina? Makilala pa nga kaya nila ang isa’t isa sa pagkakataong magkita silang muli?

Marami pa kayong dapat abangan sa all-star cast na Asintado, napapanood tuwing hapon bago ang Hanggang Saan sa Kapamilya Gold.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …