ITINAAS ang Alert Level 4 sa Mayon nitong Lunes ng hapon, kasunod ng magma eruptions.
Sinabi ni Paul Alanis ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo-logy (PHIVOLCS), sa Alert Level 4, posibleng maganap ang hazardous explosion ng bulkan sa susunod na mga oras o araw.
Ayon kay Alanis, ang inilabas na lava sa nakaraang mga pagsabog mula nitong Linggo ay maaaring manatili sa six-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan.
Aniya, tatalakayin ng PHIVOLCS official kung dapat palawakin ang PDZ.
Ang PDZ ay pinalawak sa pitong kilometro makaraan itaas ang alert level sa 3 nitong nakalipas na mga araw.
Ayon sa ulat, itinaas ang alert level makaraan ang vulcanian eruption ng Mayon.
Ang nasabing pagsabog ay nagdulot ng 10-kilometer high ash co-lumn.
Nitong Linggo ng gabi, ang PHIVOLCS ay nakapagtala ng lava eruption at maraming lava collapses mula sa bulkan.
Umabot na sa halos 30,000 katao na naninirahan sa loob at malapit sa seven-kilometer expanded PDZ, ang inilikas sa ligtas na lugar.
PASOK SA ALBAY
SINUSPENDE
SINUSPENDE nitong Lunes ang pasok sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa lalawigan ng Albay.
Iniutos ni Governor Al Francis Bichara ang pagsuspende sa lahat ng tatlong congressional district ng lalawigan.
Ito’y makaraan magbuga ng ash column at itaas sa Alert Level 4 ang bulkang Mayon bandang tanghali kahapon.
CEBU PACIFIC
FLIGHTS
KANSELADO
KINANSELA ang Cebu Pacific at Cebgo flights patungong Legazpi City at Naga City nitong Lunes ng hapon dahil sa pagbuga ng abo ng Ma-yon Volcano dakong u-maga.
Kabilang sa kinansela ang DG 6204 Cebu-Legazpi; DG 6205 Legazpi-Cebu; 5J 327 Manila-Legazpi; 5J 328 Legazpi-Manila; DG 6117 Manila-Naga; at DG 6118 Naga-Manila.
Ang operasyon ng Legazpi City International Airport ay sinuspende kasunod ng Notice to Airmen (Notam) na inisyu ng Civil Aviation Authority of the Philippines.
Ang mga pasaherong lilipad patungo at mula sa Naga at Legazpi ngayong araw (23 Enero) ay mahigpit na pinapa-yohang maghintay ng anunsiyo hinggil sa kanilang flight schedules.