Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Moira nag-uwi ng 3 award sa Wish Music, sold-out pa ang Tagpuan concert

ANG saya-saya ngayon ni Moira dela Torre dahil sa nakaraang Wish Music Awards na ginanap sa Araneta Coliseum ay nanalo siya ng tatlong awards.

Ang mga ito ay Wishclusive Contemporary Folk Performance of the Year para sa awiting Malaya (Beneficiary: Save The Children); Wishclusive Viral Videos of the YearMalaya na idinirehe ni John Prats at sina Sam Milby/Angelica Panganibanang featured artists at Wishclusive Elite Circle—Malaya.

Bukod dito ay sold-out ang unang gabi ng solo-concert niyang may titulong Tagpuan na produced ng Cornerstone Concerts at Bright Bulb Productions.

Post ng manager ni Moira na si Erickson Raymundo, ”due to the overwhelming response of concert goers – WITH ALL TICKETS SOLD OUT IN JUST 4 DAYS!!! AND STILL A STRONG DEMAND FOR MORE – we are opening up another night for more people to experience her music. See you for the 2ND NIGHT of Moira Dela Torre’s Tagpuan on Feb 18, 7PM at the KIA Theater. #TagpuanSaKia #MoiraDelaTorre #CornerstoneConcerts #BrightBulbProductions  #CornerstoneArtists.

Makakasama ni Moira sina Yeng Constantino, Keana Valenciano, Inigo Pascual, Sam Milby at iba pa mula sa direksiyon ni John Prats. Yes, ito ang first directorial job ni Pratty sa concert.

Anyway, klinaro ng handler ni Moira na si Mac Merla ang tsikang ikakasal na ang dalaga sa long time boyfriend nitong si Jason Marvin dahil ipinakilala na ng dalaga sa pamilya ng tatay niya.

“Hindi pa mag-aasawa si Moira,” mensahe sa amin ni Mac.

Oo naman, parang hindi ito ang tamang panahon dahil ngayon palang umiinit ang karera ni Moira pagkatapos niyang maghintay ng mahigit 10 years para mapansin at marinig ang mga awiting siya mismo ang sumulat.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …