Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
sexual harrassment hipo

CEO ng Malaysian firm inireklamo ng rape, sexual harassment (Sex over promotion nabigo)

KASONG rape at sexual harassment ang isinampa laban sa chief executive officer (CEO) ng kompanyang Edmark ng mga empleyado nito matapos dumanas ng hindi malilimutang karanasan sa akusado.

Bukod sa rape at sexual harassment, inasunto rin ang nasabing official ng illegal dismissal at unfair labor practices (ULP) ng apat nilang empleyado.

Dumulog sa tanggapan ng batikang human rights advocate na si Atty. Rogelio ‘Waray’ Evasco sina Erica Patricia Chua, 27, ng Sangandaan, Caloocan City; Jillian Jan Villadarez, 29, at Mariza Soni, 27, parehong taga-Cubao , Quezon City; at Angelica Fajardo, 26, ng San Rafael, Bulacan para ireklamo ang CEO ng Edmark na si Roesholm ‘Ric’ Camaligan ng kasong kriminal at sibil ang naturang opisyal.

Isinama rin sa kanilang reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang chairman at may-ari ng Edmark na si Sam Low, isang Malaysian; ang presidente na si Joey Urquia at human resources manager na si Careen San Juan.

Batay sa sinumpaang salaysay ni Chua, tatlong beses siyang ginahasa ni Camaligan sa magkakaibang okasyon habang sinabi nina Villadarez, Soni at Fajardo na nakatikim sila ng iba’t ibang uri ng sexual harassment mula sa nasabing opisyal.

Sinabi ni Chua na kahit bawal ang ginagawa ni Camaligan, ito umano’y hinahayaan at kinokonsinti ni San Juan at kung minsa’y kasama rin sa pananakot laban sa kanila sa pamamagitan ng pagbabantang tatanggalin sila kapag ibinulgar ang ginagawang pang-aabuso ng CEO.

Ipinaliwanag ni Chua na kaya siya hindi nagreklamo noong unang pagkakataon ng pag-abuso sa kanya ay dahil nangako si Camaligan na itataas siya ng posisyon sa kompanya at bibigyan ng mas mataas na suweldo.

Pero king tatanggi siya sa nais ng CEO ay agad siyang tatanggalin sa trabaho.

Sa sinumpaang salaysay nina Villadarez, Soni at Fajardo, sinabi ng tatlo na makailang ulit silang pinaparinggan ni Camaligan ng kung ano-anong kabastusan habang nasa trabaho.

Sa panig ng Edmark, nilinaw ng kompanya na dahil sa natuklasang ‘tila’ sabwatan nina Camaligan at San Juan ay tinanggal na sila sa kompanya.

Sinabi rin ng kompanya na haharapin nila ang kasong isinampa ng mga empleyado sa NLRC.

Anila, ano man ang ginawang pang-aabuso nina Camaligan at San Juan gamit ang kanilang posisyon ay tinutuldukan na ng kompanya.

Haharap din umano sa media ang mga opisyal ng kompanya pagdating nila sa bansa.

(TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

PDEA

Batakan tinibag ng PDEA; Operator, 3 runner tiklo sa Porac, Pampanga

BINUWAG ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Pampanga Provincial Office ang isang …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted criminal ng CamSur nabitag sa Bulacan

NAHULOG sa kamay ng batas ang isang indibidwal na nakatala bilang most wanted person sa …

Olongapo PNP Police

12 timbog sa Oplan Roulette sa ‘Gapo

ARESTADO ang 12 indibidwal nang ipatupad ng Olongapo CPS, katuwang ang Criminal Investigation and Detection …

DVOREF College of Law

DVOREF Law ni Rep. Romualdez, pumasok sa Top 4 Nationwide; Elite Circle sa 2025 Bar Exams naabot na

PATULOYang “good vibes” para sa Leyte matapos ang Bar Examinations dahil opisyal nang kabilang ang Dr. …