Friday , December 27 2024

Sagot ni Luis kay Angel —Huwag na akong idamay

SA isang interview ni Angel Locsin, sinabi niya na bukas siyang magkasama sila sa isang proyekto ng dating boyfriend na si Luis Manzano.

Ayon sa aktres, nakaya nga nilang magkatrabaho noong una silang mag-break. Umiwas namang magbigay ng reaksiyon si Luis sa naging pahayag na ito ng dating minamahal.

Sabi ni Luis, ”Huwag na akong idamay diyan, okey na ‘yun, ayoko nang madamay diyan. No need, I don’t see the need na mapasama sa ganoon.”

Samantala, masayang-masaya si Luis sa relasyon nila ng girlfriend niya ngayong si Jessy Mendiola. Sa tanong na kung handa na ba siyang pagbigyan ang hiling ng amang si Edu Manzano na bigyan na siya ng apo, ang sabi ng binata, ”Well, kung ready naman siya, mas ready naman ako. Rati ko pa naman sinasabi na gusto ko sana kasabay kong lumalaki ang anak ko. Kung paano ang relationship namin ni Daddy, marami kaming nagagawa together.”

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *