Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rappler hinamon ni Digong

PINALIGUAN ng sermon at hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang online news site Rappler na maglabas ng ebidensiya sa akusasyon laban kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na nakialam sa bidding ng mga bagong kagamitan para sa mga barko ng Philippine Navy.

Iwinagayway ni Duterte sa harap ng Rappler reporter sa CAAP event kagabi ang inilimbag na artikulo mula sa online news site laban kay Go.

“Let me give you an example. Huwag na tayong lumayo. You’re inquisitive mind goes beyond its normal proportion. You know, I’ll just — Tingnan ninyo ‘yung — a daily dose of your medicine. Bong Go intervenes in the 15 billion — Who gave you idea he can intervene? Where is his signature? Where is your statement? And where is your… even a point of reference?” ani Duterte sa Rappler reporter na si Pia Ranada sa ambush interview matapos ang pagtitipon.

Nakahanda aniya siyang sibakin si Go kapag may naipresintang ebi­densiya ang Rappler ngayong umaga na imposible dahil bilyonaryo ang pamilya ng SAP at hindi naman pipitsugin ang pagkatao ni Defense Secretary Delfin Lorenzana para maimpluwensiyahan sa katiwalian.

“Alam mo, hindi ako magyabang. Pero bilyonaryo ‘to, sa totoo lang. Punta kayong Davao, tanungin ninyo kung sino ‘yan. Itong mga ganito,” anang Pangulo.

“He’s not a military and he intervened… what — You think, you think you can convince Lorenzana and the guys there, you can bribe them? Or you think that sila papayag na kami ang mag-bribe with the way I talk, the way I’ve been firing people?” dagdag ng Pangulo.

Ang pamilya aniya ni Go ang may-ari ng pinakamalaking printing press sa Davao City at may diyaryo rin.

Hinimok ni Duterte ang mga may-ari ng media company na sumunod sa batas at gawing legal ang lahat ng negosyo upang magkaroon ng karapatan na batikusin ang katiwalian sa pamahalaan.

Hindi aniya mangingimi ang kanyang administrasyon na tugisin ang media moguls na hindi nagbabayad ng tamang buwis at puwede rin silang kasuhan ng plunder dahil umabot na sa bilyong piso ang utang nila sa buwis sa gobyerno.

Sa kabila ng mahabang litanya laban sa media ay kombinsido pa rin ang Pangulo na mas marami ang kanyang kakampi sa larangan ng pamamahayag kaysa kritiko.

PALASYO UMALMA
SA BINTANG NG RAPPLER

UMALMA si Pangulong Rodrigo Duterte sa akusasyon ni Rappler chief executive officer Maria Ressa na pagkitil sa malayang pamamahayag ang desisyon ng Securites and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang kanilang license to operate.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa kauna-unahang pag­ka­kataon, tinawagan siya sa telepono kamakalawa ng gabi ng Pangulo para ipaabot sa publiko na wala siyang kinalaman sa desisyon ng SEC.

Iginiit ni Roque, na “no one is above the law” dahil malinaw sa isinasaad ng batas na dapat ay 100 porsiyentong pag-aari ng Filipino at hindi ng isang dayuhan ang isang media entity.

Sabi aniya ng Pangulo, unfair ang pahayag ni Ressa.

Desmayado aniya ang Pangulo dahil panay ang batikos ng Rappler sa mga indibiduwal na lumalabag sa Konstitusyon gayong sila mismo ay lumalabag din sa Saligang Batas.

Hindi rin aniya pagkitil sa malayang pamamahayag ang desisyon ng SEC dahil kung tutuusin ay pinapayagan pa ng Malacañang na makapag-cover ang kanilang reporter na nakatalaga sa Palasyo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …