PUMASA na ang House Resolution para mag-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly na babalangkas sa Federal Charter.
Nabigo ang Makabayan Bloc na harangin ang botohan sa pamamagitan ng panibagong interpelasyon ngunit hindi na sila pinagbigyan.
Tinangka ni Caloocan Rep. Edgar Erice na kuwestyonin ang quorum ngunit sa huli ay idineklarang mayorya ng mga kongresista ay nasa plenaryo.
Sa unang roll call ay 222 ang present sa plenaryo at sa ikalawang roll call ay naging 186.
Target ng mga mambabatas ang Pebrero o Marso upang makabuo ang Con-ass ng pinal na mga amiyenda sa saligang batas at makabuo ng charter para sa Federalism.
(JETHRO SINOCRUZ)