Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

San Beda dadayo sa Dubai

BILANG paghahanda sa misyong grand slam na kampeonato sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 94, mangingibang bansa ang San Beda Red Lions upang sumali sa 29th Dubai International Basketball Tournament mula 19-26 Enero sa United Arab Emirates.

Kinompirma mismo ni San Beda team manager Jude Roque kamakalawa.

“We got this rare invitation to join this prestigious tournament, and represent the country against the top teams in West Asia. It’s a great opportunity to learn from the tough competition. At the same time, it’s an honor to play in front of our fellow Filipinos in Dubai,” aniya.

Pangungunahan ng Gilas prospects na sina Robert Bolick, Javee Mocon at Kemark Cariño ang Red Lions na hangad madepensa ang kanilang titulo sa papalapit na NCAA 94.

Sasamahan sila nina Donald Tankoua, Arnaud Noah, Eugene Toba, AC Soberano, Clint Doliguez, Joe Presbitero, Franz Abuda, Calvin Oftana, Ben Adamos, Jeramer Cabanag, JB Bahio, at Radge Tongco.

“Our young players will surely gain from this experience. We expect to come back home as a better team,” dagdag ni Roque.

Makakalaban ng San Beda ang magigilas na national at club teams sa Middle East tulad ng United Arab Emirates national team, Al Ahly at Zamalek ng Egypt, Al-Riyadi, Homentmen ng Lebanon, Al-Hikma at AS Sale ng Morocco, ES Radès ng Tunisia at Al-Nasr ng Libya sa walong araw na kompetisyong gaganapin sa Al Ahli Sporting Club sa UAE.

Noong nakaraang taon, sumali ang representante ng Filipinas na Mighty Sports sa naturang patimpalak ngunit nagkasya sa 1-5 kartada kahit kasama sina Justin Brownlee at Kiefer Ravena. (JBU)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

PFF FIFA Futsal

PFF pinuri mga ‘unsung heroes’ sa likod ng tagumpay ng Futsal Women’s World Cup

ANG pagho-host ng Pilipinas sa kauna-unahang FIFA Futsal Women’s World Cup ay nagpakita hindi lamang …

Pato Gregorio PSC PHILTA

Paris Olympic silver medalist Krevic, world No. 45 Maria nanguna sa maagang listahan ng mga kalahok sa PH Open

PANGUNGUNAHAN ng dating world No. 2 at Paris Olympic silver medalist na si Donna Krevic …

Bambol Tolentino

Manila unang punong-abala sa 2028
Tolentino pangungunahan paglikha ng SEA Plus Youth Games

PANGUNGUNAHAN ni Philippine Olympic Committee (POC) President, Abraham “Bambol” Tolentino ang pagbuo sa Timog-Silangang Asya …

PH SEA Games Medals

Pinatutunayan ng Pilipinas ang Lakas sa Olympic Sports sa Kampanya sa SEA Games

MAAARING nagtapos lamang sa ikaanim na puwesto ang Pilipinas sa kabuuang ranggo ng ika-33 Southeast …