That’s the thing about life, it is fragile, precious, unpredictable and each day is a gift, not a given right.
— Dying cancer patient
Holly Butcher
PASAKALYE:
Gusto ko pong i-share sa inyo ang bahagi ng mensahe ng cancer patient na si Holly Butcher, na may taning sa buhay. Marahil ay magiging inspirasyon po ang kanyang nasambit na mga kataga: It’s a strange thing to realise and accept your mortality at 26 years young. It’s just one of those things you ignore. The days tick by and you just expect they will keep on coming; Until the unexpected happens. I always imagined myself growing old, wrinkled and grey – most likely caused by the beautiful family (lots of kiddies) I planned on building with the love of my life. I want that so bad it hurts.
That’s the thing about life; It is fragile, precious and unpredictable and each day is a gift, not a given right.
I’m 27 now. I don’t want to go. I love my life. I am happy. I owe that to my loved ones. But the control is out of my hands.
***
BILIB talaga ako sa QCPD sa pamumuno ng kaibigang Chief Superintedent Guillermo Lorenzo Eleazar!
Bakit?
Aba’y araw-araw ay may accomplishment ang Quezon City Police District. Kaya dapat lang na ‘sipain’ pataas ang ating kaibigang heneral — malay n’yo mailagay siya sa NCRPO.
Pasintabi po Gen. Oscar Albayalde. Ang gusto naman po namin ay ‘sipain’ din kayong pataas — hepe ng PNP?
‘Yon na!
ANYWAY, nitong nakaraang 6 Enero, nadakip ng mga operatiba ng Kamuning Police Station o PS-10 sa ilalim ng pamumuno ni Supt. Christian dela Cruz ang tatlong suspek na nangholdap ng mga pasahero ng isang jeepney sa Barangay Paligsahan.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Carl John Pinangay, 18, construction worker at residente sa Agham Road, Bgy. Bagong Pag-asa; John Gerald Oliva, 22, walang trabaho, taga-Maunlad St., Bgy. Pinyahan; at ang 16-anyos na hindi na binanggit ang pangalan dahil menor de edad.
Hindi sana nahuli ang tatlo kung nagtutulug-tulugan ang mga pulis. Mabuti at tapat ang ating heneral at kanyang mga tauhan sa kanilang mandato bilang tagapagpatupad ng batas at tagaligtas ng mamamayan laban sa mga kriminal.
“Napakahalaga po talaga ng pagpapatrolya, dahil dito mabilis na nakapagreresponde ang ating mga pulis. Nagpapasalamat din tayo sa ating mga kababayan na agad humingi ng saklolo dahilan para habulin ang mga suspek at maaresto aila,” ani Gen. Eleazar.
Dahilan ito para tunay na maging “Proud to be QCPD!” B…!
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!