Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagiging ina ni Sylvia sa Mama’s Girl, nag-level-up

INSPIRATIONAL drama ng 2018 agad ang handog ng Regal Entertainment Inc. sa moviegoers ngayong unang buwan ng bagong taon. Ito ay ang Mama’s Girl na pinagbibidahan ng Regal babies ng kanilang henerasyon na sina Sylvia Sanchez at Sofia Andres.

Sa presscon ng pelikula, tinanong si Sylvia kung ano ang pagkakaiba ng role niya bilang nanay ni Sofia saMama’s Girl sa mother role niya sa mga teleseryeng ginawa niya. Sabi ni Sylvia na natatawa, ”Loud ako rito eh, at saka sexy. Lume-level up, eh. Pero strong mom siya. Na no matter what, kahit saan siya magpunta, hindi niya iiwan ang anak niya.”

First time ni Sylvia na nakatrabaho si Sofia. At puring-puri ng una ang huli.

“Noong una, tinitingnan ko lang siya. ‘Pag hindi mo talaga siya kilala, iisipin mo na suplada siya. Pero sa akin kasi huwag mong i-judge ang isang tao, huwag kang basta-basta maniniwala sa sinasabi ng ibang tao, hangga’t hindi mo totally nakikilala ang isang tao. Para sa akin, mabait siya.”

Noong baguhang artista pa lang si Sylvia ay nakagawa na siya ng mga pelikula sa Regal. Ilang taon na ang nakararaan noong gawin niya ang huling pelikula niya rito. Kaya natutuwa siya na muli siyang kinuha ng nasabing kompanya para sa Mama’s Girl.

“Gusto kong sabihin sa inyo,  thankful ako rito sa movie na ito,where in fact, sinabihan ko si Mothe Lily na, ‘Mother, ang tagal mo na akong hindi kinuha sa movie.’ So, ngayon bumalik siya sa akin, bumalik ako sa kanya, kaya thankful ako. At sabi ko, ‘Mother huwag mo na nga akong iwan.’ Naglolokohan kami.

“Kung ano man ‘yung istorya namin ni Mother Lily, sobra kong tinreasure ‘yun. Si Mother Lily ‘yung nagdiskubre sa akin. Pero kung ano man ‘yung kuwento namin, sobrang haba, kaya huwag na lang (ikuwento). Kung gusto ninyo mag-usap tayo ng isang araw, uupuan kita, hindi ko ididenay. Kasi walang dapat idenay. Kasi kung ano man ‘yung pinagdaanan ko, ipinagmamalaki ko ‘yun, dahil doon ako humugot ng lahat ng tapang. At kung mayroon mang nagtawa sa akin noon, thank you! Dahil sa inyo ako kumuha ng lakas at tapang. Ngayon nandito ako sa showbiz, masaya ako dahil binigyan ako ulit ni Mother Lily ng pelikula. Kung hindi kay Mother Lily, wala ako rito (sa showbiz). Malaki ang utang na loob ko sa kanya at hind ko ‘yun makalilimutan.”

Showing na sa January 17 ang Mama’s Girl na mula sa direksiyon ni Connie S.A. Macatuno.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …