ISANG heart-to-heart talk kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison ang nais mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“I want Sison to come here. The two of us will talk. Only the two of us in this room,” sabi ni Pangulong Duterte sa panayam ng Mindanews noong Biyernes ng gabi.
Kamakailan ay nanawagan si Sison kay Duterte na ituloy ang naunsyaming peace talks sa CPP-NPA-NDF.
Si Sison ay naging propesor ni Duterte sa Lyceum of the Philippines noong dekada ‘60.
Inamin ng pangulo na kailangan niyang makita ang “good faith” sa bahagi ng kilusang komu-nista bago siya magpas-yang iutos ang muling pag-usad ng usapang pangkapayapaan.
(ROSE NOVENARIO)