Thursday , December 19 2024

Handog ng Marvel Comics sa 2018: Chinese Superheroes

NALALAPIT nang magpakilala ang mga bagong Chinese superhero sa pantheon ng mga larger-than-life Marvel universe mainstay na sina Spiderman, Iron Man at ang X-Men, pahayag ng opisyal ng Marvel Comics sa pagpasok sa isang major thrust sa Asya ngayong 2018.

Bilang bahagi ng pagpapalago ng Asia fanbase ng higanteng comics group, maglalabas ang Disney-owned franchise ng mga mobile game sa China at para rin buksan ang ‘Marvel Stores’ nito sa South Korea—kaya nga naghahanap ng mga artistic talent sa Filipinas, dagdag ng Marvel editor-in-chief na si C.B. Cebulski.

“We have been making great strides especially in Asia. We try to hire more Asian creators, writers and artists to bring a piece of their culture to Marvel comics,” wika niya sa panayam sa Maynila, nang dalawin niya ang isang malaking unibersidad sa paghanap ng sariwang talent.

Plano ng comic giant na magpakilala ng dalawang bagong Chinese superheroe: si ‘Sword Master’ at si ‘Aero’ na parehong nakabase sa China, dagdag ni Cebulski.

“They are going to be heavily based on Chinese culture and Chinese mythology but set in the modern world and they will interact with the other heroes (in the Marvel universe),” aniya.

“These new characters will be drawn in the ‘manga’ style of Japanese comics that is more popular in Asia,” aniya.

Inamin ni Cebulski, dalawang taon din nanirahan sa Asya bilang vice president ng Marvel para sa rehiyon, sa nakalipas ay hindi nabigyan ng Marvel ng prominenteng posisyon ang mga karakter na Asyano kung ihahambing sa kanilang mga mainstay tulad nina Captain America o Hulk.

Ngunit magbabago na umano ito: “We want to have stories that are reflective of every culture.”

Inaasahang sisikat ang latest flagship movie ng Marvel  na Black Panther—na ipapalabas sa susunod na buwan sa buong mundo.

Pinangungunahan ang pelikula nina Chadwick Boseman bilang ang breakthrough black superhero na si T’Challa, na isang hari ng fictional nation sa Africa.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *