Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wish ni Alden na kanta, ibinigay agad ni Ogie

BINIGYAN agad ng katuparan ni Ogie Alcasid ang wish ni Alden Richards na mabigyan siya ng kanta para sa bagong album na gagawin niya sa GMA Records.

Sambit kasi ng Pambansang Bae noong pumirma siya ng contract: “”Sana maisulat ako ng isang kanta ni Kuya Ogie Alcasid. Sana lang, kung kakayanin. It’s my dream also.”

Buong ningning namang sinabi ni Ogie sa presscon ng Valentine concert na #PaMore sa February 10 sa MOA Arena, kasama sina  Martin Nievera, Regine Velasquez, at Eric Santos, na open siya na makatrabaho anytime si Alden. Tawagan lang siya.

Gusto niya gawan ko sila ng kanta ni Maine (Mendoza),” pagbibiro pa niya.

Bagay kay Alden ang isinulat niyang kanta na I Love You. Handa niyang ibigay iyon kung magugustuhan niya.

Noong pinasikat niya ‘yung ‘God Gave Me You,’ parang sabi ko kailangan niya ng kanta na parang ganoon. ‘Yon yung naisip ko ‘I Love You,” bulalas pa ni Ogie.

Anyway,  ang concert na  #paMORE  ay gaganapin  sa Feb 10,  8PM , sa Mall of Asia Arena. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni  Paolo Valenciano at musical director si Louie Ocampo at si Raul Mitra. Ang #paMORE ay podyus nina  Ana Puno ng Starmedia Entertainment at  Cacai Mitra  ng  I-Music Entertainment.

TALBOG!
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …