Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexual chemistry nina JC at Ryza, pinagdudahan ni Direk Sigrid

MAY pinagdaraanan ang relasyon ni JC Santos sa stage actress na si Teetin Villanueva. Inamin niya na my problema sila.

Pero, hindi naman siguro dahil pinagselosan niya ang leading lady ni JC na si Ryza Cenon. Halata kasi sa pelikulang Mr. & Mrs Cruz na may sexual chemistry sila sa trailer ng kanilang  pelikula. Hitsurang may feelings sila sa isa’t isa.

Tsinaga po namin na  maging ganoon, eh Pinilit po namin, nagkuwentuhan po kami,” paliwanag ni JC.

Once na nasa set na hindi po kami si Ryza o si JC. Naka-character na po kami niyon,” dagdag naman ni Ryza.

“Ayoko namang maging sanhi ng paghihiwalay! Ha! Ha! Ha! Pero nakitaan ko na bagay sila, so lalo akong na-excite. Kaya noong rehearsals, ‘yun talaga ang ginawa namin. Siyempre noong una, off pa sila dahil hindi sila magkakilala, eh. Nang tumagal na, natuwa ako. I am really happy na nag-work talaga ang chemistry nila. Nagdududa na nga ako, eh! Ha! Ha! Ha!,” deklara ng kanilang director na si Sigrid Andrea Bernardo ng Kita Kita.

Idiniin naman ni Ryza na hindi seloso ang boyfriend niyang si Cholo Barretto. Hindi magseselos ito ‘pag napanood ang  movie dahil sobrang supportive nito sa lahat ng ginagawa niya.

Inihahandog ng VIVA Films at ng The IdeaFirst Company ang kanilang unang pasabog para sa 2018. Isang pelikula tungkol sa love, commitment at marriage ang Mr. & Mrs Cruz .

Sa Mr. & Mrs Cruz, tatalakayin naman ni Direk Sigrid ang isang usapin na kasama palagi ng love, ngunit madalas na iniiwasang pag-usapan: ang commitment. Ito ang unang beses na pagtatambal sa pelikula nina JC at Ryza ngunit ngayon pa lang ay hindi na maitatanggi ang kanilang chemistry.

Ang buong pelikula ay kinunan sa napakagandang isla ng El Nido Palawan.

“Literal na buwis buhay,” bulalas ni Direk Sigrid. Sa isa sa kanilang mga shooting day, muntik nang ma-trap sa isang  exclusive beach ang grupo.”Sobrang chill lang kami. Nagkakantahan pa in between shots, not knowing na super high tide na pala sa labas ng exclusive beach na pinagsu-syutingan. Bago ka kasi makarating doon sa exclusive beach, kailangan mo munang pumasok sa isang cave. Sinabihan na lang kami ng guide na kailangan na naming lumabas dahil malakas ang ulan at mataas na ang tubig sa labas. So, lumalabas pa lang kami ng cave ramdam na namin na mataas na talaga ‘yung tubig. As in, kailangan mong sumisid para makalabas ka.”

Magiging maaga ang Valentine’s Day ngayong 2018, sa paglabas ng Mr. & Mrs Cruz sa mga sinehan ngayong January 24.

TALBOG!
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …