Sunday , December 22 2024

Judy Ann Santos, inatake ng insecurity!

Judy Ann Santos feels inadequate for her comeback film fittingly billed Ang Dalawang Mrs. Reyes.

The last time she did a mainstream movie was wayback in the year 2016 by way of the movie Kusina.

Nitong sumabak siya sa comedy, parang insecure siya lalo na’t kasama pa niya rito si Angelica Panganiban who is admittedly a well rounded actress.

“In fact, after the third shooting day, I had to talk to sila Direk Jun (Lana) and the rest of the production team to ask if okay ba ‘yung trabaho ko, may kulang ba?” she asseverated. “Ano pa bang dapat kong gawin?

“Gano’n ako hindi ka-confident sa trabaho ko.

“I had to, I needed that assurance na itawid ‘yung ginawa kong punchlines.

Napakatahimik raw kasi sa set, tapos ‘yung ilaw, hindi mainit.

Ang dami na raw talagang nabago sa paggawa ng mga mainstream films sa ngayon.

Tapos, hindi maingay ‘yung crew, hindi maingay ‘yung staff, ‘yung parang ako lang ‘yung nandoon.

It took quite some time bago raw siya kumalma.

But later on, nasakyan rin daw niya ang sistema at medyo kumalma na siya.

But why a comedy for a comeback movie?

“Kasi ‘yung ginawa ko for the past na mga pelikula na mga indie,” she averred. “Lahat mabigat.

“Gusto ko ng something refreshing, and 2017 for me was such a roller-coaster ride.

“Gusto ko ng change. Ang daming nawala, ang dami kong kailangang harapin.

“I needed something refreshing, at ito ‘yun. I prayed hard (for this).”

Anyway, what if she discovers that her husband Ryan Agoncillo is having another relationship that he has kept from her all of these years? “Para siguro kung ano ‘yung ginawa ni Mrs. Reyes,” she quipped, “Matitigalgal muna ako ng mga three days bago ako simulang maghalungkat ng ebidensiya.

“Kasi sa realidad, tatanungin mo ‘yung sarili mo kung totoo ba ‘to? O, panaginip lang ata.”

But she is very much secure about her husband’s masculinity, “Walang-wala. My God.”

‘Yun nah!

SYLVIA SANCHEZ, NABALIW
SA KANYANG PAGKAKAMALI!

MAY amusing anecdote si Ms. Sylvia Sanchez sa co-star niya sa pelikulang Mama’s Girl na si Sofia Andres.

‘Yung first meeting raw nila sa set, looking galore lang siya sa demure at magandang young actress na gumaganap bilang anak niya sa pelikula.

Anyway, habang magkahawak-kamay sila sa presscon ng Mama’s Girl, nai-share ni Sylvia ang isang nakatutuwang pangyayari.

Anyway, hiyang-hiya raw siya kay Sofia dahil sa isang anecdote na awkward ang naging dating.

“Kasi, pictorial, the first day kami nagkita,” she said in retrospect. “First time kong nakita si Sofia… first time ko siyang nakilala.

“Buong cast muna ang nag-pictorial, and then kaming dalawa na.

“Paghawak ko sa kanyang kamay, sobra siyang malamig! As in nanginginig!

“Sabi ko, ‘Bakit ka nanginginig?

“Sabi niya, ‘Natatakot po ako sa inyo.’

“Sabi ko, ‘Huwag kang matakot sa akin. Mukha lang akong impaktita pero mabait akong tao. Huwag ka lang maging impakta, kasi mas impakta ako!’

“Iyon ang sabi ko sa kanya. Direkta.

“‘Anak kita rito, nanay mo ako, so kailangang maging close tayo sa isa’t isa. Wala tayong choice.’”

So nag-pictorial na nga raw sila yakap-yakap. Feeling close. Tawanan.

Out of the blue, bigla raw nag-dialog ang dalaga na may nagsabi raw sa kanyang kamukha raw niya ang anak niyang si Ria Atayde.

Sinagot naman daw ni Sylvia na actually raw, para silang magkapatid!’

Tapos, humirit pa raw si Sylvia. Hindi lang daw silang dalawa ni Ria ang dead ringer. May isa pa raw kamukha ang kanyang anak at ito’y si Sofia Andres.

Ngumiti lang daw ang dalaga.

Tinanong daw niya ito kung kilala ba niya ‘yung Sofia Andres?

Siya raw kasi, mahina talaga sa pangalan. Mahina rin siya sa birthdays.

Pero ang mukha, tandang-tanda niya, lalo na pag na-meet na raw niya.

Pagkatapos no’n, sinabi raw niyang tatlo silang magkakamukha.’

Noong magkita raw sila the day after, nalaman niyang si Sofia Andres pala ang kasama niya sa pelikula nilang Mama’s Girl.

Naikuwento raw niya ito kay Ria at halos gumulong sa katatawa.

“After no’n, ‘yun ang nag-open,” she said. “Tapos, nagkita kami, ‘Sorry, sorry, Sofia! Sorry talaga! Kasi, mahina ako sa pangalan!’

“And… eto na kami ngayon,” Sylvia said while Sofia lovingly embraced her. “Eto na siya… kasama ko na siya.”

SNOOKY SERNA, NA-WITNESS
ANG TOTOHANANG SAMPALAN
SA PAGITAN NINA LOVI POE
AT ERICH GONZALES

NA-WITNESS raw ng aktres na si Snooky Serna ang controversial confrontation scene sa pagitan nina Lovi Poe at Erich Gonzales sa pelikula nilang The Significant Other.

Last October 2017 nangyari ang incident na ito na nagdulot ng sugat sa daliri kay Erich at swollen neck naman kay Lovi Poe.

Anyway, nang makausap ng press si Snooky Serna sa January 4 press conference ng The One That Got Away, sinabi niyang na-witness niya  ang kontrobersiyal na confrontation scene na ‘yan. “My goodness, I witnessed it. Talagang nagkasakitan sila, like Erich broke a nail and then si Lovi, nagkaroon ng parang, I think, pasa somewhere on her face,” Snooky looked back.

“Tapos, paulit-ulit pa ‘yung takes so paulit-ulit ‘yung sampal, ‘yung sakitan nila! Shocked kaming lahat.”

The 51-year-old actress, who delineated Erich’s mother in the film, said that the staff and other cast members did not expect the two ladies to do the scene for real.

Parang nagkapikonan raw sina Erich at Lovi pero naayos naman ang lahat-lahat after the repeated takes.

“After the scene,” recalled Snooks, “medyo nagpahinga muna sa kani-kanilang corners, tapos nakita namin nag-reconcile na.”

Anyway, all’s well that ends well. Nagkayakapan pa raw ang dalawa, including their leading man Tom Rodriguez.

Anyway, Snooky now is now busy with GMA’s upcoming prime-time series The One That Got Away, that also stars Lovi and Dennis Trillo.

Snooky is Lovi’s mom in TOTGA.

NO COMMITMENT
MUNA PARA KAY
SEF CADAYONA

SA PRESS conference ng bagong fantasy series ng GMA Network, ang Sirkus, nakita ng press up close ang simpatikong si Sef Cayadon at hiningan siya ng update tungkol sa pamba-bash sa kanya sa social media.

In a nut shell, marami naman daw siyang natutuhan.

Looking back, nakatanggap ng matinding pamba-bash si Sef dahil sa supposed intimacy nila ni Maine Mendoza.

“Before Christmas, parang wala na kaya happy,” he intimated.

“Happy na finally it all ended, sila rin naman… Happy Christmas.”

Before the year ends, the wrath of the AlDub nation has been switched to Jake Ejercito.

This is the reason why Sef has been left alone by the feisty AlDub fans.

Iba naman siyempre ang punto de vista ni Sef.

“Hindi ko naman siya natrato na ganoon,” he said in earnest.

“Pero para sa akin, I just go by with myself.

“Kumbaga, naka-blackout na ‘yan ever since sa akin.

“So, kung anoman ‘yung nangyaring news about whatsoever, hindi ko na siya napapansin.

“I’m just happy na masayang-masaya ang Pasko ko.”

Kay Maine pa rin, ‘di naman daw dapat na nag-break sila dahil never naman silang nag-on.

To set things straight, sinabi niyang wala naman daw talagang nangyaring kahit ano kaya walang dapat aminin.

Right now, he’s supposedly single and he wants it to remain that way.

“This year,” he stressed, “ako muna. Let’s see how it goes. I’m happy with myself.

“I’m actually very excited kung ano ang mangyayari sa work ko, sa mga plano ko sa trabaho para sa future life ko.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

 

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *