MASAYA at matindi ang tawanan nang tanungin si Judy Ann Santos kung umibig na ba ito sa bading sa presscon ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes na showing sa January 17.
“Wala,” mabilis niyang sagot na sabay tawa.
“Wala…wala at all,” sey pa niya.
Nagpalakpakan at nagtawanan ang movie press pati ang mga na nasa balcony ng Dolphy Theater.
“Baka..mas kami pa ang pinagnasaan,” lahad ni Juday.
Tinanong din si Juday kung paano kung madiskubre niyang bading ang mister niyang si Ryan Agoncillo?
“Parang matitigalgal muna ako ng mga three days bago ako magsimulang maghalungkat ng mga ebidensiya
“Kasi sa realidad, parang totoo ba ito? Tatanungin mo ang sarili mo na totoo ba ito o nasa teleserye ba ako? Panaginip lang ba ito?
“Kung sa totoong buhay siyang mangyayari, ipa-punchline mo rin naman talaga ang sarili mo kasi there’s really no way out doon sa sitwasyon mo. Bago ka makawala, masasaktan ka muna,” lahad pa ng young superstar.
So, wala kang nakikitang bahid kay Ryan?
“Walang-wala. Thanks God,” pakli pa niya na tumatawa.
Anyway, ang heartwarming at laugh-out-loud dramedy na Ang Dalawang Mrs. Reyes ay sa ilalim ng direksiyon ni Jun Robles Lana. Ang pelikulang ito ay tungkol sa infidelity. Tampok din sa Ang Dalawang Mrs. Reyes sinaJoross Gamboa at JC De Vera. Ipalalabas ang Ang Dalawang Mrs. Reyes sa mga sinehan sa buong bansa simula sa Enero 17.
TALBOG!
ni Roldan Castro