Friday , November 15 2024
internet slow connection

South Korean telco gusto mag-3rd player sa PH

ISANG South Korean telecommunications company ang interesadong makipagtunggalian sa China upang maging third party player sa Filipinas.

Sa cabinet meeting kamakalawa, inihayag ni Department of Information and Communications Technology Officer-in-Charge Eliseo Rio Jr., nais ng Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T), kasama ang Korean telecom company, na mag-operate sa bansa.

“DICT Acting Secretary Rio mentioned that so far two (companies) are interested to become third player in the telecommunications industry. First is the China Telecom, plus the consortium that was not yet mentioned; and second in the list is the PT&T group and their Korean telecom company partner,” sabi ni Rio sa pulong ng gabinete, ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.

Inaasahang makapagsisimula sa unang quarter ng taon ang third player sa telecom industry sa Filipinas.

Ani Andanar, kahit anunsiyo pa lang, ang telco, PLDT Group at Globe Telecom, ay tiniyak na maglalagak ng dagdag na puhunan sa kanilang mga negosyo.

“So, we can really see that even just the announcement itself, these two telco giants were encouraged to invest money to improve their services. So, that in itself is already victory for the Filipino people. So, this is really going to be an exciting year for the telco industry,” sabi ni Andanar. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *