Saturday , January 11 2025

JC Santos, ibinahagi ang dapat abangan sa pelikula nila ni Ryza Cenon

BAGONG tambalan ang matutunghayan kina Ryza Cenon at JC Santos sa pelikulang Mr. & Mrs. Cruz. Hatid ng Viva Films at ng IdeaFirst Company Production, ito’y mula sa panulat at pamamahala ni Direk Sigrid Andrea P. Bernardo, na siyang writer-director din ng mega blockbuster movie na Kita Kita na pinagbidahan nina Empoy Marquez at Alessandra de Rossi.

Sa aming pana­yam kay JC, inusisa namin kung ano ang role niya sa Mr. and Mrs. Cruz? “Ang role ko rito ay si Mr. Rafael Cruz, one of them ordinary guys na nagwo-work para makapag-travel. He is the kind of guy who enjoys creating memories with people. Nagta-travel siya dahil naghahanap siya ng sagot kung bakit nangyari sa kanya iyong past experience niya,” tugon ni JC.

Paano niya ide-describe ang kanyang bagong pelikula?

Sagot niya, “It’s not gonna be your usual travel romcom movie. It’s edgy. It’s clever, mature, unpredictable… Kapag pinapanood mo na siya, it can be very addictive.”

Sa tingin mo, may hatid na kilig ito sa viewers? “May hatid na kilig?” Ulit niya sa aming tanong. “Of course! Maraming tawa, yes. Maraming matututuhan, Sobra!” Esplika ni JC.

Nabanggit din niya ang isa sa eksena rito na dapat abangan ng manonood. “May isang eksena rito na involve ang word na suka (vommit). At never in my life na maiisip kong aabangan ang word na suka, kikiligin sa word na suka,” nakangiting saad niya.

Wish mo ba na ang nagawa ni Direk Sigrid sa Kita kita, ma-duplicate ng Mr. & Mrs. Cruz? “I dont usually care about the business side of entertainment, but of course, wish ko na panoorin ng maraming-maraming tao ang pelikula namin. Wala nang mas sasarap pa bilang actor ang makapag-share ka ng experience sa audience mo.”

Ano ang masasabi mo kay Ryza bilang co-actor dito? “She is one of the most disciplined person, I know. Sa life at career, hands down ako sa kanya, I’m glad we worked together.”

How about kay Direk Sigrid? “Fan na ako ni Direk Sigrid, kahit noong nasa theater pa lang siya. She is one of those people na gusto kong pasukin ang brain para malaman kung ano’ng nangyayari roon, dahil ang talino niya. Sobrang suwerte ko dahil nakatrabaho ko siya ngayon at ang dami-dami kong natutuhan.”

Ang Mr. & Mrs. Cruz ay ipalalabas na sa January 24, 2018 at kasama rin sa pelikula sina Yayo Aguila, Dennis Padilla, Lui Manansala, at iba pa.

JUNAR LABRADOR,
NAG-E-ENJOY SA PAGSABAK
SA INDIE FILMS

IPINAHAYAG ni Junar Labrador na masaya siya sa pagkakataon na ibinibigay sa kanya para makalabas sa indie movies. Naipapakita raw niya kasi ang kanyang talent rito bilang actor, plus, lately ay nakakopo na naman siya ng acting award.

“Yes po, nag-e-enjoy ako sa paggawa ng indie films. Una, dahil nabibigyan ako ng laya ng direktor para gawin ko kung ano ang puwedeng magpaganda sa karakter na ginagampanan ko. Plus, sa mga indie films kasi, nabibigyan ako ng pagkakataon na ipakita ang kakayahan ko bilang isang aktor.”

Wika niya, “Nanalo na naman po ako ng award sa huling movie ko. Nakatanggap din ang pelikula ng mga sumusunod na award – Outstanding Indie Film Actress, Outstanding Indie Film Young Actor, Outstanding Indie Film Young Actress, Outstanding Indie Film Child Actor, Outstanding Indie Film Child Actress, Most Promising Indie Film Child Actor, Outstanding Indie Film Director (Direk Sky Lester dela Cruz), at Outstanding Advocacy Film Producer.”

Sinabi rin niya na bagong challenge sa kanya bilang actor ang gumanap na bading dito. “Definitely bagong challenge sa akin ito, noong una nga binabago ni sir Johnny Mateo (producer) ‘yung character ng manager, gagawin nilang straight. Sabi ko huwag, gagawin ko ‘yung character ng bading na manager.”

Sino ang naging peg mo sa iyong role? Tugon niya, “Marami kasi akong naging peg sa paghahanda sa movie, una na si Raymond Bagatsing at si Ricky Davao na nakita ko ang pagganap niya bilang isang gay sa teleseryeng My Korean Jagiya ng GMA-7. Actually noon pa, hanga na ako sa mga gay roles ni Raymond Bagatsing… I just hope nagawa ko rin iyong role ko effectively.

“Nakatatawa nga, kasi talagang inaral ko kung paano kumilos at magsalita ang isang gay na hindi nagsusuot ng damit pambabae. Pagkatapos nga nag-shoot, siguro ilang araw ko rin napansin sa sarili ko na mayroon pa akong kilos bading… hahaha!” Nakatawang esplika ng actor na by profession ay isang architect.

 ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *