Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sofia pinag­pawisan, namasa ang kili-kili sa viral video ni Diego

PATAY-MALISYA si Sofia Andres sa presscon ng pelikulang  Mama’s Girl tungkol sa viral nude video ng ka-loveteam niyang si Diego Loyzaga.

Nai-post kasi ito ni Diego sa kanyang Instagram account na agad namang binura.

Hindi alam ni Sofia na may kumakalat na ganoon. Ngayon lang niya nalaman nang tanungin si Diego sa naturang scandal.

“Ano?… Over ba? Ha!ha!ha!,” balik-tanong niya.

“Malaki na siya, alam na niya ang gagawin niya,” sey pa ng young actress.

Hindi ba siya na-turned off?

“Baka accident naman po ‘yun,” pakli niya.

Ang paliwanag kasi ni Diego ay tradisyon ‘yun sa Sweden at ginawa niya ‘yun noong magbakasyon siya.

“Eh, kasi, liberated ang mga tao roon. Baka na-adopt niya. No, I’m just kidding,” sey pa ni Sofia.

Wala siyang balak tanungin si Diego tungkol sa viral video.

Ayaw ba niyang makita?

“Pinagpapawisan po ako. Kili-kili ko basa na,” reaksiyon niya sabay tawa.

Paano niya ipagtatanggol si Diego sa viral video na ‘yon?

“Dumadaan naman po ‘yan sa buhay ng boys .Wala namang masama roon. Baka proud lang po siya roon,” saad ng young actress.

Hairless doon si Diego.

“Hindi ko po nakita,” tugon pa niya na tumatawa.

Anyway sa January 17 na ang showing  ng Mama’s Girl na handog ng Regal Entertainment, Inc. Kasama sa movie sina Sylvia SanchezDiego Loyzaga, Jameson Blake, Yana  Asistio, Heaven Peralejo, Karen Reyes,Arlene MuhlachAllan PauleAlora Sasam atbp. Ito ay sa direksiyon ni Connie S.A. Macatuno.

PAGTAKBO NG HUBO’T
HUBAD, NASA BUCKET
LISTS NI DIEGO

IPINALIWANAG din ni Diego Loyzaga sa presscon ng Mama’s Girl na aksidente lang ang pagkaka-post niya sa kanyang Instagram account. Hindi niya talaga sinadya ‘yun.

 ”It’s not a pic. It’s a video,” pagklaro pa niya na nasa IG stories niya na binura rin niya agad.

Bahagi ‘yun ng trip niya sa Europe at tradisyon ng mga Swedish at Finnish ‘pag nagpupunta sa sauna.

Aminado siyang nagpaka-adventurous siya at laki naman siya sa Australia kaya hindi ito big deal sa kanya.

Naikuwento rin niya na nagawa niya ang isa sa bucket list niya na tumakbo nang hubo’t hubad sa gitna ng snow. Ang ina niya at  Hanggang Saan star na si Teresa Loyzaga  ang kumuha pa ng larawan at video na ‘yun.

Tsuk!  (ROLDAN CASTRO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …