PUPURGAHIN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hanay ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan at tatanggalan ng kontrol sa pulis ang mga sangkot sa illegal drugs makaraan repasohin ang narco-list.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa cabinet meeting kamakalawa , ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.
“I’m sure it’s all connected. But I guess the President mentioned in the Cabinet meeting his resolve also to clean up the ranks of the local government executives to highlight that it’s not just pre-sidential appointees that would be subject to this campaign to promote public accountability but includes everyone in go-vernment,” ani Roque.
Nasa kapangyarihan aniya ng Pangulo ang tanggalan ng kontrol sa pulis ang mga mayor kapag napatunayang sabit sa operasyon ng illegal drugs.
Noong nakalipas na Nobyembre, umabot sa 25 LGU officials ang inalisan ng police powers ng Napolcom dahil sa pagi-ging narco-politicians.
May 100 lokal na opisyal ng Mindanao ang wala nang kontrol sa pulisya mula nang ideklara ang martial law sa rehiyon.
(ROSE NOVENARIO)