Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erik, nai-intimidate, nanginginig kina Martin, Ogie at Regine

AMINADO si Erik Santos hindi siya makapaniwala nang sabihin sa kanya na kasama siya sa #paMORE concert nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez na magaganap sa February 10, Sabado, 8:00 p.m. sa Mall of Asia Arena.

“Kasi silang tatlo itinuturing na icon. Tapos ako ‘yung pinakabata sa kanila. Ang makapag-perform with them na sabay-sabay parang it’s beyond…Iba ‘yung silang tatlo.

“Ang maganda rin dito nakasama ko na sa mga show before and I’m close to all of them,” paliwanag ni Erik.

Hindi rin itinago ni Erik na idolo niya si Martin kaya puro magaganda ang nakikita niya rito.

“Kahit magkasama kami, nai-starstruck pa rin ako kay Kuya Martin. May ganoon akong feeling. Everytime I’ve performed with them, may feeling pa rin ako na nae-excite ako.”

Intelligent performer din si Martin at napaka-witty, ani Erik. ”Kahit anong tipo ng audience kaya niyang i-handle,” sambit pa ng tinaguriang Philippines’ Prince of Pop.

Gusto namang makuha ni Erik ang pagiging kalmado ni Ogie. ”Parang hindi marunong magalit. Napakabait. ‘Yung ia-affirm ka niya bilang tao, bilang performer. ‘Yung encouragement niya sa iyo, tutulungan ka niya to go on, to do better.”

One of the most generous artist naman kung ituring ni Erik ang Asia’s Songbird. ”Close rin ako sa kanya, isa sa pinaka-una kong nakatrabaho when I was starting.”

Hindi rin itinanggi na nakakaramdam ng intidation si Erik mula kina Martin, Ogie, at Regine. ”Minsan, hindi ko maiwasan kasi, they are all icons, they are all big stars. Pero sila kasi ang nagpapakalma rin sa akin. At saka sinasabi ko sa kanila kapag nai-intimidate ako, hindi naman intimidate, minsan speechless ako. Like noong nag-guest ako sa concert ni Ate Regs, parang hindi na ako nasanay na maka-duet siya.

“The moment na sumampa ako sa stage nanginginig pa rin ang tuhod ko. Iba kasi ‘yung kausap mo siya at iba ‘yung nagpe-perform kayo. Parang palaging bago ‘yung experience.”

NAPATAWAD NA
SI JOBERT

SAMANTALA, hindi naman itinago ni Erik na napatawad na niya si Jobert Sucaldito.

Kung ating matatandaan, idinemanda ni Erik si Sucaldito ng 21 counts of cyber libel, two counts of libel, at six counts of grave threats. Nag-ugat ang demanda sa ilang Facebook posts ni Jobert.

“Naka-move on na ako kasi wala akong choice kundi mag-move-on. To move forward eh, ‘yung pagpapatawad naman, kasi ako, it’s really a gift kapag…napakadaling kong magpatawad. Hindi ako…hindi matigas ang puso ko.

“’Yung limot hindi siguro, pero ‘yung forgiveness, dapat nasa ating lahat eh. Dapat nasa puso nating lahat iyon. Lalo na kapag tumatanda.

Kung total forgiveness naman, ito ang nasabi niya. ”Mahirap kasing kalimutan ang mga bagay, hindi ba? Pero ‘yung forgiveness it’s there.”

Sakaling magkasalubong naman sila ni Jobert, papansinin kaya niya ito. ”Hindi ko alam. Kasi maliit lang ang industriya natin. Alam n’yo mahal mahal ko naman ‘yan (Jobert) eh, hindi ko nga alam kung bakit nangyari iyon. Kung ano man ‘yung nangyari, ginawa ko lang yung sa tingin ko ay tama, ginawa ko lang ‘yung dapat kong gawin. And kung ano man ang mangyayari in the future ay parte… mangyayari naman ‘yan kung mangyayari eh, kumbaga, part ito ng kung sino ako bilang tao and siguro kung ano man po ‘yung nangyari in the past, lahat eh, makaka-move on rin.”

HANDA NANG
MAGKA-PAMILYA

SA KABILANG banda, gusto ni Erik na magka-pamilya na. ”I’ve want to settledown. ‘Yun ang gusto kong ma-achieve. Handa na ako,” giit ng magaling na singer.

“’Yun ang pinagpi-pray ko,” giit pa niya.

Nang tanungin kung kanino. ‘Yun ang hindi pa niya masagot bagamat sinabi niyang nasa edad na rin siya para gawin ito.

Ang #paMORE concert ay ididirehe ni Paolo Valenciano at ang musical direction ay mula kina Louie Ocampoat Raul Mitra.

Ito ay handog ni Anna Puno ng Starmedia Entertainment at ni Cacai Mitra ng I-Music Entertainment.

GLENDA VICTORIO,
MILYONARYA SA EDAD 20

TIYAK na marami ang naiinggit sa katayuan ngayon ni Glenda Victorio, 20, at isang matagumpay na online businesswoman.

Sa launching ng pinakabagong produkto ni Glenda sa pamamagitan ng kanyang Brilliant Skin Essentials, ang Tomato facial at Briscilla Cosmetics Main, sinabi ni Glenda na hindi naging madali para maabot ang kasalukuyang kinalalagyan.

“Maaga akong nakapag-asawa kaya naman lahat ng klase ng trabaho talagang ginawa ko.

“Pumila rin ako sa ‘Pinoy Big Brother’, kasi nga hilig ko ang sumayaw at umarte. Pero siguro talagang hindi para roon ang kapalaran ko,” kuwento ni Glenda na tubong Morong Rizal na dahil sa tagumpayd ng Black Charcoal Soap ay nakapagpundar ng apat na sasakyan, malaking bahay, at malaking planta sa kanilang lugar.

“Noong mauso ‘yung negosyo online, ‘yun ang ginawa kong negosyo. Pumunta kami ng Divisoria at kung ano ang puwedeng ibenta, ibinebenta ko online. Kahit ano pa ‘yan—make-up, sabon, damit, at kandila. Kung ano ang napapanahon at uso, kinakarir ko,” kuwento ni Glenda habang hindi pa nagsisimula ang magarbong party na pagpapasalamat din niya sa mga naging reseller ng kanyang produkto.

Mula sa kanyang supplier ng kandila, bumuo sila ng Black Charcoal Soap at mismong si Glenda ang unang sumubok nito. ”Talagang grabe ang mukha ko, nagnanaknak. Siyempre sinubukan ko muna at kuminis naman talaga ang mukha ko sa loob ng apat na buwan,” pagmamalaki ni Glenda.

Mabibili na sa iba’t ibang parte ng ‘Pinas at abroad ang produkto ng Brilliant Skin Essentials at nagpapasalamat si Glenda sa mga tulad niyang misis na nagtiyaga ring magtinda ng kanyang produkto.

Nang tanungin kung pangarap pa bang mag-artista ni Glenda. Mataray nitong sagot, ”Kahit hindi na ako mag-artista ngayon!”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …