PORMAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Martin Diño bilang undersecretary ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Nagsilbi si Diño bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ngunit dahil sa Executive Order No. 42 ni Duterte na nagtatakda na iisang opisyal na lang ang magsisilbing chairman at administrator ng SBMA, natanggal siya sa puwesto noong Setyembre 2017 at si Wilma Eisma, na administrator, ang naluklok bilang pinuno ng ahensiya.
Si Diño ay dating chairman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), at miyembro ng Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP) – Laban na naghain ng certificate of candidacy for president noong May 2016 elections.
Makaraan ang ilang buwan ay pinalitan ni Duterte si Diño bilang standard bearer ng partido. (R. NOVENARIO)