INAASAHANG lilikom ng P786-B buwis sa loob ng limang taon ang implementasyon ng tax reform ng administrasyong Duterte upang tustusan ang malawakang infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build program.
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa press briefing sa Palasyo kahapon, umaasa ang pamahalaan na masasagot ang dalawang trilyong piso sa P8 trilyong project pipeline upang hindi matambakan ng utang ang bansa.
“All these will help improve peoples lives. It is not wise to borrow everything. Just like any business, we would like to raise more or less P2 trillion,” ani Dominguez.
Ang malilikom na pondo mula sa pagpa-patupad ng kontrobersi-yal na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ay ipantutustos sa pagpapatayo ng 629,120 public school classrooms, pambayad sa suweldo ng 2,685,101 public school teachers, at sa paggawa ng 60,483 rural health units o 484,326 barangay health stations.
ni ROSE NOVENARIO