NATAGPUANG nakabigti ang isang Korean national sa loob ng tinutuluyang kuwarto sa isang casino-hotel sa Parañaque City, kahapon ng hapon.
Base sa sketchy report ng pulisya, kinilala ang biktimang si Lee Chang Yong, nasa hustong gulang.
Sa ulat, natagpuan ang nakabigting biktima dakong 1:45 pm sa loob ng Room 933, Okada Casino Hotel Manila sa Seaside Drive, Entertainment City, Brgy. Tambo, Parañaque City.
Natagpuan ang biktima ng ilang staff ng hotel at ipinagbigay-alam sa security personnel ng naturang casino-hotel na agad ini-report sa tanggapan ng Parañaque City Police ang insidente.
Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa pagsusugal o may mala-king pagkakautang ang biktima.
(JAJA GARCIA)