Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen, sa Abril o Mayo manganganak (Sakaling buntis)

TOTOO ba na April o May  manganganak si Ellen Adarna? Wala pa rin siyang kompirmasyon sa kanyang kalagayan pero  ang napapabalitang ama ay si John Lloyd Cruz.

May chism pa na umano ay sinamahan ni Lloydie si Ellen sa pre-natal check up nito.

Mukhang ini-enjoy naman ni John Lloyd ang pagpapakanormal. May video rin  siya sa Youtube na  bumili ng barbecue sa kalsada after na dumalaw sila ni Ellen sa puntod ng lola ng sexy actress. Kinilig na lang ang mga tindera sa Home Sweetie Home actor.

Tama nga naman si JLC na hindi siya  masisira ng taong 2017 dahil importante ‘yung happiness na nararamdaman niya ngayon. Iba nga naman ang pakiramdam na hindi nagpapaka-showbiz at may  bagong chapter ang kanyang buhay.

Pero, ‘wag niya rin sanang patagalin dahil nami-miss na rin siya ng mga avid viewer ng  Home Sweetie Home na bumalik siya.

ANGELINE, HIRAP
MAMILI KINA COCO
AT ERIK
(Pareho kasing mahal)

HINIRITAN pala ni Angeline Quinto si  Coco Martin na sana ay kinuha siya para kumanta ng theme song ng Ang Panday.

Eh, gusto niyang maging singer, siya na rin ang kumanta ng theme song ng sarili niyang pelikula. Niloloko ko nga eh, sabi ko ikaw, ang successful mo na sa pagiging  artista, gusto mo na ring pasukin ang pagkanta, pati kami tatalunin mo,”  sey ni Angeline na tumatawa.

Pero sino ba ang mas mahal niya, si Coco ba o si Erik Santos?

“Oh my God! Ang hirap ng tanong. Puwede bang dalawa na lang sila?

“Pero ‘yung feelings siyempre, pareho sila,” tugon ni Angeline.

Bulalas pa niya, mas matagal niya kasing nakilala si Coco kaysa kay Erik.

Mas nakilala ko agad si Coco kaysa kay Erik. Love ko ang dalawang ‘yan,”  sambit  pa niya.

Bakit hanggang doon na  lang ang status ni Erik?

“Hindi naman natin masisi kung hanggang doon na lang talaga. Katulad ng laging sinasabi ko, maayos kami ni Erik na magkaibigan. Kung anuman ang ibinibigay ng ibang tao na kahulugan sa pagiging close namin, siguro nakikita ng tao na hanggang doon lang ang maipakikita namin talaga at ‘yun lang ang totoo,” pakli ng singer-actress.

Hindi na nanliligaw ngayon si Erik.

Hindi naman  sila nagsasawa sa isa’t isa pero na-realize nila na mas click sila bilang magkaibigan at singing partner.

“Pero wala naman pong mga basted-basted,” saad pa niya.

SAM
AT ANGELICA,
PUWEDE NA

MUKHANG nabigyan ng pag-asa ang mga gustong magkatuluyan sina Sam Milby at Angelica Panganiban.

Balitang loveless si Sam na sinalubong ang 2018. Totoo bang break na sila ng model-TV host na si Mari Jasmine?

Naku, puwedeng  magtulay ang Banana Sundae star na si John Prats  dahil very vocal ito na gusto niyang ma-develop at magka-inlaban ang mga kaibigan niyang sina  Sam at Angelica.

Pak!

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …