Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, leading man ni Liza sa Darna

HANGGANG ngayon ay wala pa ring announce ment ang Star Cinema kung sino ang magiging kapareha ni Liza Soberano sa pelikulang Darna.



Alam namin na may napili na, pero bakit kaya ayaw pa nilang i-reveal ito?

Hindi kaya totoong si Daniel Padilla, gaya ng mga lumabas na balita noon, ang magiging leading man ni Liza?

Sana nga ay si Daniel na lang para naman maipareha rin siya sa iba  gayundin si Liza, ‘di ba?

Hindi naman kasi puwedeng sa lahat ng project ni Daniel ay si Kathryn Bernardo ang kapareha niya at si Liza ay puro si Enrique Gil. Baka pagsawaan din sila ng fans, ‘di ba?



ACTING NI NASH,
‘DI MATATAWARAN

MARAMI ang humanga sa ipinakitang akting kamakailan ni Nash Aguas sa serye nilang The Good Son, na napapanood sa ABS-CBN 2.

Noong una ay hindi gaanong napapansin ang akting niya rito dahil so-so lang ang role niya, hindi pa gaanong mabigat. Pero kamakailan ay binigyan na rin siya ng sariling moment, kaya naipakita niya ang husay niya sa pagganap na naging dahilan para mag-viral ang eksena niya sa The Good Son.

Sa totoo, mula noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin matatawaran ang husay sa akting ng ka-loveteam ni Alexa Ilacad.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …