Saturday , November 16 2024

Paalala ng Palasyo: Masaya, ligtas na Bagong Taon (vs illegal fire crackers)

IPINAALALA kahapon ng Palasyo sa publiko ang mga pinapayagan at ipinagbabawal na mga paputok batay sa umiiral na Republic Act 7138.

Base sa kalatas na inilabas ng tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ipinabatid sa mga Filipino na nagbebenta at bumibili ng mga paputok para sa pag-iingay sa pagsalubong ng 2018.

Ayon sa Palasyo, bawal ang mga firecracker at pyrotechnic devises na ang lamang pulbura ay lagpas sa dalawang gramo o tinatayang nasa isa punto tatlong kutsarita.

Gayondin ang mga pailaw at paputok na naglalaman ng sangkap na asupre o kaya ay phosporus na inihalo sa chlorate.

Kasama  sa mga ipinagbabawal ang piccolo, super lolo, whistle bomb, goodbye earth, at atomic big triangulo.



Nakasaad sa Republic Act number 7183 o ang batas na nagtatakda ng mga alituntunin sa pagbebenta, paggawa, distribusyon at paggamit ng mga paputok at pailaw na pinapayagan ang mga paputok gaya ng: baby rocket, bawang, small triangulo, pulling of strings, paper caps, el diablo, watusi, judah’s belt, sky rocket o kuwitis, at iba pang uri na pasado sa itinatakdang laman na pulbura.

Pinapayagan din ang mga pailaw gaya ng sparklers, luces, fountain, jumbo regular at jumbo special, mabuhay, roman candle, trompillo, airwolf, butterfly, lahat ng uri ng pyrotechnic devices, at iba pang uri ng pailaw na nakasunod sa itinatakdang dami ng pulbura.

Anang Malacañang, ang Executive Order 28 ay nagtatakda ng limitasyon sa paggamit ng mga pinapayagang paputok sa mga community fireworks display sa lugar na tinukoy ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng superbisyon ng mga eksperto na lisensiyado ng pulisya at may kaukulang permit mula sa mga awtoridad para sa pagsasagawa ng fireworks display.

Inilinaw ng Palasyo, pinapayagan ang pailaw tulad ng sparklers sa residential premises ng magpapailaw.

Inuulit ng Malacañang ang apela sa lahat ng Filipino na tumalima sa mga regulasyong sadyang itinatakda ng batas at ipinatutupad ng mga awtoridad upang maging masaya at ligtas ang pagdiriwang para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *