Saturday , November 16 2024

Digong dumistansiya sa pagbitiw ni Polong

DUMISTANSIYA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibitiw ng kanyang anak na si Paolo Duterte bilang bise-alkalde ng Davao City.

Sinabi ng Pangulo sa ambush interview sa Southern Philippines Medical Center, ipinauubaya niya sa anak ang pagpapasya kung itutuloy ang resignation.

“Well, sa kanya ‘yun. You… Hindi kita masagot. Hindi ako ‘yung nag-resign e. But nagtanong siya kagabi. Doon kami, nagkita-kita kami doon sa, ‘yung magkapatid, si Mayor [Sara Duterte] pati siya. Habang naghihintay kami ng balita, tinanong niya ako,” anang Pangulo.

Kuwento ng Pangulo, hindi niya inutusan si Paolo na magbitiw sa puwesto ngunit posible aniyang napundi na ang anak sa mga kinasangkutang usapin gaya ng pictorial ng panganay na si Isabelle sa Palasyo at pagkadawit sa P6.6 bilyong shabu smuggling.

“Sabi ko sa kanya, ‘Ikaw. You… you are in a position to do what is right. Kung ano lang ang tama sa iyo, gawin mo…’ Sabi ko, ‘Well, let the people decide. But if you think that there is a better [way] to do it, do what is right.’ ‘Yun lang,” dagdag ng Pangulo.

“I never suggested any resignation. Sabi ko, ‘Ikaw, you…’ Siguro ‘yung sa anak niya, ‘yung pictorial at ‘yung — baka nasaktan din siya noong ‘yung mga insinuation about ‘yung sa… Napuno na siguro,” anang Pangulo.

“Ipinatawag sila sa  Congress for nothing. Well, about the only thing that [inaudible] was this name, his name which appeared in a — and he considered it most unfair to… sa kanya,” dagdag ng Punong Ehekutibo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *