Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

16,355 killings inamin ng Palasyo (Imbestigasyon patuloy)

INAMIN ng Palasyo na 16,355 ‘killings’ ang iniimbestigahan ng mga awtoridad  mula nang maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa 63-pahinang year-end accomplishment report na inilabas ng Palasyo kahapon, klasipikado ang unsolved killings bilang “Homicide Cases under Investigation.”



Ngunit ipinagmalaki ng Palasyo, may 4,747 barangay sa buong bansa ang idineklarang drug-free sa loob ng isang taon at kalahati ng adminis-trasyong Duterte.

Iniulat ng  Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) at National Anti-Illegal Drug Task Force na sa 42,605 barangay sa Filipinas, mahigit sampung porsiyento o 4,747 ang drug-free hanggang noong nakalipas na Nob-yembre.

Pag-upo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Palasyo noong 30 Hunyo 2017, sinabi niya 27% ng mga barangay sa buong bansa ang apektado ng illegal drugs.

Base sa report, sa 79,193 anti-drug operations na inilunsad ng mga awtoridad ay 118,287 ang dinakip habang 3,967 drug personalities ang napatay at P18.92 bilyon ang halaga ng illegal drugs ang nakompiska.

Iniulat din na may 1,308,078 drug addicts ang sumuko sa mga awtoridad mula 1 Hulyo 2016 hanggang 26 Hulyo 2017.

Habang ayon sa Department of Health (DoH), may 2,236 drug dependents ang isinailalim sa DoH drug rehabilitation program, at 14,046 drug surrenderees ang binigyan ng livelihood at skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …