KAHIT Pasko ay hindi pa rin pinagbigyan ng nagdedepensang kampeon na Golden State Warriors ang karibal na Cleveland Cavaliers nang ungusan ito, 99-92 kahapon sa Christmas Game offering ng 2017-2018 National Basketball Association Season sa Oracle Arena sa Oakland, California.
Binuhat ng nagdedepensang Finals Most Valuable Player na si Kevin Durant and Warriors sa unang bahagi bago nga ipaubaya kay Klay Thompson ang hulihan sa pagkamada ng huling pitong puntos ng laro upang mabasag ang 92-tabla tungo sa panalo ng Warriors kahit wala ang isa pang pambato na si Stephen Curry.
Buhol sa 92-tabla sa huling minuto, nagpakawala si Thompson ng pitong sunod na puntos upang wakasan ang pag-asa ng Cavs na masilat ng panalo sa road game. Nagtapos siya 24 puntos mula sa apat na tres at sinahugan pa ng 7 rebounds at dalawang assists.
Sumuporta naman si Durant sa kanyang 25 puntos, 7 rebounds at 5 tapal habang may triple double si Draymond Green sa inilistang 12 puntos, 12 rebounds at 11 assists.
Samantala, nauwi naman sa wala ang 31 puntos at 18 puntos ni Kevin Love gayundin ang 20 puntos, 6 na rebounds at 6 na assists ni LeBron James.
Umangat sa 27-7 ang kartada ng Warriors habang nahulog naman sa 24-10 ang Cavaliers.
Samantala, sa iba pang resulta ng laro sa Pasko, dinaig ng Sixers ang Knicks, 105-98;
Panis ang Celtics sa Wizards, 111-103;
Iwan ang Rockets sa Thunder, 112-107
at nilamon ng Timberwolves ang Lakers, 121-104.
ni John Bryan Ulanday