Saturday , November 16 2024

News anchor ng ABS-CBN, 5 pa sugatan (Sa karambola sa EDSA-Shaw)

SUGATAN ang anim katao, kabilang ang reporter at anchorwoman ng ABS-CBN na si Doris Bergonia, at ang kanyang camera man nang mag­karambola ang anim sasakyan sa EDSA-Shaw Boulevard, Mandaluyong City, kahapon ng hapon.

Sinabi ni Bong Nebrija, supervising operation manager ng MMDA, isinara nila ang northbound lane ng EDSA sa mga motorista bandang 1:45 pm at binuksan dakong 3:30 ng hapon.

Sinasabing nagloko ang makina ng Montero Sport, na may plakang PQS 314, habang binabaybay nito ang  Southbound lane ng EDSA-Shaw Boulevard at tumawid ng northbound lane hanggang bumaliktad.

Nagresulta ito sa karambola ng pulang Toyota Vios (Grab), isa pang Montero Sports, pick-up na service vehicle ng ABS-CBN, lulan si Bergonia at  camera man ni-yang si Marco Polo Gutierrez, isang Mitsu-bishi Mirage at isang motorsiklo.

Bunsod nito, nasugatan si Bergonia, ang ca-mera man niyang si Gutie-rrez at apat iba pa, pa­wang isinugod ng MMDA sa Medical City.

Kasama sina Bergonia sa grupo ng MMDA personnel para i-cover ang isasagawang clearing operation  sa Cubao, Quezon City pero napabilang sila sa insidente ng karambola. (JAJA GARCIA)

5 SASAKYAN
NAGRAMBOL
SA SLEX,
1 SUGATAN

SUGATAN ang isang driver makaraan magka­ram­bola ang limang sa­sak­yan sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng Sucat, Parañaque dakong 5:00 am nitong Huwebes.

Ayon sa ulat, unang bumangga ang minamanehong dump truck ni Alvin Alcantara sa likod ng isang shuttle bus bago sumagi sa iniwasan ni-yang AUV.

Sa bilis ng takbo, sumampa sa concrete barrier ang truck at saka tumaob sa isang motorsiklo ng Skyway patrol. Huminto ito nang tumama sa isa pang nakaparadang trailer truck.

Nakatalon agad ang patrolman sa motorsiklo bago tumama sa kaniya ang truck. Mistulang wala sa kontrol ang driver ng truck, pahayag ni Marcelo Delos Reyes, ang nagmamaneho ng AUV.

Isinugod sa ospital ang driver ng truck na si Ronald Juanillo na nabalian ng leeg.

Nitong Martes, isang truck rin ang naaksidente sa SLEX na ikinasugat ng dalawa katao.

About Jaja Garcia

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *