SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ika-pitong junketeer na opisyal ng gobyerno alinsunod sa isinusulong na kampanya kontra korupsiyon.
Iniutos ni Duterte ang pagtanggal kay Development Academy of the Philippines (DAP) president Elba Cruz dahil sa dalas nang pagbiyahe sa labas ng bansa kahit paso na ang kanyang termino noon pang Hunyo 2017.
“Considering that your Term of Office expired on 30 June 2017 and that you been serving in the DAP Board in a holdover capacity, we now wish to inform you that, upon instructions of the President, your service in such holdover status is hereby discontinued effective immediately,” anang liham ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Cruz.
“To ensure uninterrupted delivery, you are hereby directed to turn over all official documents, papers and properties in your possession to the proper office of the DAP,” dagdag ni Medialdea.
Nauna rito, hiniling ng DAP Personnel Association (Dapper) kay Duterte na palitan si Cruz dahil sa isyu ng “mismanagement, untoward attitude toward employees and frequent foreign travels.”
Sa isang kalatas, nagpasalamat ang mga kawani ng DAP kay Duterte sa pagsibak kay Cruz at itinuturing nila itong pinakamagandang regalo sa kanila ngayong Kapaskuhan.
ni ROSE NOVENARIO