Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, Rubie at Bibeth, tumayong Godparents ni Baby Talitha

BININYAGAN na noong Sunday, December 10, ang panganay nina Vic Sotto at Pauleen Luna na si Talitha Maria Luna Sotto. Ang binyag ay ginanap sa St. James Parish Church in Alabang, ang simbahan na rito rin ikinasal sina Vic at Pauleen.

Dumalo sa binyag ang iba pang anak ni Vic na sina VicoPaulina kasama ang mister nitong si Jed Llanes atOyo Boy kasama ang misis niyang si Kristine Hermoza at kanilang mga anak na sina Kiel, DreCaleb and Vin.

Present din sa okasyon ang dalawang ninang ni Talitha na sina Bibeth Orteza at Ruby Rodriguez. Si Alden Richards na ninong ni Talitha ay hindi nakarating dahil kasabay ng binyag ang oras ng show nila na Sunday Pinasaya.

Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Pauleen ang Godparents ni Talitha at ang mga dumalo sa binyag.

Sabi ni Pauleen, ”Thank you to her ninongs and ninangs for accepting. We are confident that with you around to guide her, she will grow to be a good girl. Thank you also to our immediate family for joining us today! And as always, thank you Father Jeff for blessing our little girl.”

 

KRIS, TINANGGIHANG
MAGKONTRABIDA

SA interview ni Kris Aquino  sa Pep.ph. sinabi niya na may offer sa kanya para mag-cameo sa pelikula ng kaibigan niyang si Vice Ganda na  The Revenger Squad, pero hindi niya ito tinanggap.

“They have actually asked me to do a cameo. But it was a kontrabida. So, sabi ko, ‘Ayoko kaya maging kontrabida.’ Hahaha! Tapos, sabi ko, ‘Marami akong brands na magagalit kapag nagkontrabida ako.’ I would have loved to do it. Pero sabi ko, ‘Ba’t ayaw niyo akong maging mabait?’ Hahaha!” sabi ni Kris.

 MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …